Robredo at Puno, bati na

MATAPOS PAGSABIHAN NG Pangulong Noynoy Aquino sina Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at Undersecretary Rico Puno ay madalas na raw nag-uusap ang dalawa.

“Our communications have become more frequent. I think that’s what’s changed,” pahayag ni Robredo sa isang interview sa opisina nito noong Huwebes nang tanungin hinggil sa naging resulta ng meeting nito kasama ang Pangulo.

“Nothing has changed” sa samahan nina Robredo at Puno matapos na makipag-usap kay P-Noy para na rin makapagpatuloy ang dalawa sa pagtutok sa kani-kaniyang gawain.

“He [Puno] reports to me.We are professionals,” dagdag ni Robredo.

Ayon sa naging pahayag ni P-Noy noong nakaraang Linggo, nakipagkita siya sa dalawang opisyal para ayusin ang gusot sa pagitan ng mga ito. Dumating rin sa punto na nagbigay na ng babala ang Pangulo na patatalsikin sa puwesto ang isa kina Robredo at Puno kapag hindi pa nagkaayos ang dalawa.

“If there is no Jueteng, if there is no Quirino hostage incident, we’ll be just like any other national government agency. We just went through some bumps along the way, that’s why the issues became more glaring,” ani Robredo.

Saad pa ni Robredo na sa lahat ng bagay na may kinalaman sa public safety tulad ng sunog at jail bureaus, ipagbibigay-alam muna kay Puno bago ibigay ng huli ang report sa kanya.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.