Robin Padilla, sa wakas, inilibing na rin si Rustom Padilla

HAPPY SI BB Gandanghari sa naging reaksyon at pagtanggap sa kanya ng  kapatid na si Robin.

Sa 1st day performance niya sa musical-comedy show nila ni John Lapus last week, pansin niya na napapangiti at napapatawa ang kapatid niyang si Binoe na nanood ng show niya.

Napapailing man ang action star kasama ang misis na si Mariel Rodriguez na nanood, masaya na si BB.

Sa katunayan, maging si Mommy Eva, laugh din sa mga eksenang kalokahan niya on stage lalo na ‘yong mala- Madonna cum Lady Gaga act niya na naka-leather with spike sexy outfit niya.

Sabi nga ng ina, “Kung noon ay babae na siya, siguro ang landi-landi niya.”

At least after all the sacrifices at pagtitiyaga, si BB ay super happy na.

Sabi nga ni Robin, “Inilibing ko na si Rustom,” pertaining to his acceptance sa bagong kapatid na iniluwal sa katauhan ni BB.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.