Robin Padilla, Out sa Pilipinas, Win Na Win!

OLA CHIKKA! WALA pang isang linggo ngunit kumakalat na ang balitang exit daw agad itong main host ng show na si Robin Padilla! Bakit naman ganu’n kabilis? Hindi kaya naapektuhan na siya ng mga isyung naglabasan matapos ang pilot episode ng noontime show noong Sabado?

Hindi kaya nagpadala siya sa mga sabi-sabing wala siyang isang salita dahil minsan na niyang sinabi na hindi niya tatanggapin ang pagiging main host ng Wowowee?

Sinasabi pa ng ilan na maging ang buong noontime show duration ay hindi niya papatusin. At siguro ngayon, maraming mga fans ni Willie Revillame ang kinukuwestiyun ang pagtanggap niya sa offer sa Pilipinas, Win na Win.

O, baka marahil ay sobrang labs na niya ang kanyang co-host na si Mariel Rodriguez kaya lilisanin na lang niya muna sa show upang makaiwas sa intriga sa kanila ng dati niyang labs na si Kris Aquino na isa rin sa mga main hosts ng show? Taray!

Hindi man umuubra ‘yung dalawang dahilan na iyon, malamang itong pangatlo ang talagang magiging rason ng pagkawala ni Binoe sa noontime show. Dahil simula August 8 hanggang September 15, selebrasyon ng Ramadan ng ating mga kapatid na Muslim, kaya sa mga panahong iyon ay hindi natin masisilayan ang nag-iisang main host na lalaki ng Pilipinas, Win na Win.

Kaya abangan na lamang natin ang pagbabalik niya matapos ang kanilang paggunita sa Ramadan. Pak!

ISA PANG KAABANG-ABANG sa mundo ng showbiz ay kung kailan titigil itong mga fans nila Kim Chiu sa pagdidikta sa management ng Dos dahil may nalalaman pa silang rally at kung anu-ano pang kilos huwag lamang mabuwag ang tambalang Kimerald.

Kailangan nilang tanggapin na ang kanilang mga idolo ay kailangan ding maghiwalay upang mas mapaganda ang kani-kanilang career at pagkatiwalaan nila ang management ng ABS-CBN dahil para sa ikabubuti ng kanilang mga idolo iyon.

Kung gusto nila ay magtayo sila ng sariling istasyon at kuning talent itong si Kim Chiu at Gerald Anderson para hindi na mabuwag ang loveteam nila kahit kailan.

At tsaka una pa lamang ay wala naman talagang totoong pag-iibigang naganap sa halos ilang taon na nilang pagsasama, eh. On-screen lang ang pagmamahalan ng dalawa kaya maghiwalay man ang love team nila ay tanggapin n’yo na, dahil lover in real life nga naghihiwalay eh, ano pa kaya sila? Peace!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong kilalang kumentarista na may kumakalat na isyung gustong magkaanak?! Wala namang masama kung hilingin niya iyon dahil lahat naman siguro ng kababaihan ay pangarap magkaroon ng sariling anak sa tamang panahon sa taong mahal nila.

Ngunit magugulat ka sa kumentaristang ito dahil wala namang asawa at maging nobyo kaya paano magkakaanak? Tanong n’yo kung ano ang sabi ng parazzi girl ko na naiisip na paraan ni kumentarista para magkaroon ng sariling baby… Eh, ‘di magbabayad daw siya ng lalaki para buntisin siya! Ha-ha! Wild!

Grabe, ha?! Ganu’n ka na ba ka-desperada o wala na talagang lalaking papatol sa iyo kaya pati pera mo gagamitin mo sa pagkakaroon ng anak? Hmmm… sige gawin mo ang gusto mo. Pero feeling ko, kahit magbayad ka ng isang daang lalaki para anakan ka ay mahihirapan ka na dahil mukhang menopause ka na, eh! Kapayapaan!

Ano, na-gets n’yo na? Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 a.m. to 12 nn, kaya makigulo at maging una sa mga chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo,2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

17 thoughts on “Robin Padilla, Out sa Pilipinas, Win Na Win!

  1. Sana nga umalis na lang sa PWNW. Mukhang pera. Walang prinsipyo. Gagawin lahat maski may masagasaan para lang ma promote ang bagong show niya. Si Mariel naman, wala ring breeding. Halatang halata ang kaplastikan. FLOPSINA PRINCESS.

  2. HOY Swarding!!!! Excuse me… ano ang pinagsasabi mo dyan!!!!! Gustong gusto na ng karamihan sa mga kimeralds na buwagin na ang piking tambalang ito. Gising na gising na kami sa katotohanan na napaka fake lang pala ang Gerald Anderson na yan!!!KAYA ABSCBN ITIGIL NA ANG PAGTATAKIP NINYO KAY GERALD..KAYANG KAYA NA NI KIM CHIU MAG SOLO!!!

  3. sa gustong magka anak na kumenteytur landiin mo si bong revilla lahat yun pinapatulan pati akow.

  4. hoy magandah si tita swarding naku mga manlalait kayo,maganda kalooban ni tita swarding

  5. … misleading nga ang title. eh, misleading naman talaga ang pagmumukha ng isa sa UGLIEST TIMAWA IN SHOWBIZ na si TITA SWARDING na palautog. ganyan na ata ang mga malapit nang sunduin ng amo nila… ni satanas! bwahahahaha

  6. ano ba kayo-ramadan, kaya off muna si Robin……………..sa mga fans ni KIM PAYATOT-GROW-UP, masyadon na kayong OA…

  7. Tignan natin kung malakas pa rin ang Pilipinas Win na Win maski wala si Robin. Kasi, pansin ko, parang mas gusto pa rin makita nang tao si kris. Si Robin kasi, nagmukhang publicity hungry dahil sa panay ang tulak niya nang tandem nila ni Mariel, kaya marami ang naiinis at naiirita. Robin is not a loss. Kumuha na lang nang nakakatawa na komediyante o kaya guwapitong batang host kapalit ni Robin.

  8. matandang bakla, misleading ang tittle ng column mo. mag kaiba ang ang nag leave s out!
    mag resign k n at wl kang kredibilidad mg sulat!

  9. mga T-A-N-G-A tlga un mga tao d2 na nagcocoment na lang ng basta basta pero ndi nagbabasa!!

    magbasa muna kayo bago kayo mag comment d2!!

    kayo ang mga SHUNGA!!! syempre iibahin nya yon title ng colum nya para maging intersado!! SHUNGA!!! lol

  10. shonga ka swarding ndi sya out naka leave lang sya for 2wks dahil ramadan…

    ano kang klaseng writer sige ka lang ng sige kakasulat d ka muna mag research shonga…

  11. WILLIIEEEEE,,,,SA PANTY PILIPINAS KA MAG-APPLY….PASOK NA PASOK KA DON PARA MAGKABUHAY NAMAN ANG SHOW NILAAAAAAA……I LIKE TO SEE U DANCE AND SING AGAIN….WILLIEE….U MAKE SOOO HOT…

  12. matandang bakla, misleading ang tittle ng column mo! iba ang out s break.
    robin is just giving respect for ramadan season, at sn tanda ganon k rin.
    mag resign kn s pag su2lat dhil wl kng kwentang reporter, pwe!

  13. wag si mariel landi alisin nyo……..kasi tignan nyo sandali lang nyan…..pangit kasi tignan nandyan lahat chiks ni roben
    lalo na landi mariel……….sya alisin nyo……

Leave a Reply

Your email address will not be published.