Robin Padilla, nasilaw sa kaseksihan sa FHM shoot – Gorgy’s Park

KASAMA NI CRISTINE Reyes si Robin Padilla na humarap sa presscon ng FHM nu’ng nakaraang Lunes ng gabi na ginanap sa Manila Intercon sa Makati.

Ibang-iba na ang kaseksihan ngayon ni Cristine na pati si Robin ay namangha sa ganda at kaseksihan nito.

Sabi nga ni Robin, parang nakikita raw niya ang reflection nito sa mga mata ni Cristine. Aminadong nabighani siya sa ganda ng seksing aktres.

Kaya sa ganda ba namang iyun ni Cristine, maniniwala ka bang walang nanliligaw sa kanya o baka nga may boyfriend na ito?

Isinumsumpa ni Cristine na wala talaga. May balitang nanliligaw daw sa kanya ang basketbolistang si Wesley Gonzales pero tigas ang tanggi ni Cristine dito dahil kaibigan lang daw niya.

Aminado rin si Cristine na nasa moving-on stage pa rin daw siya sa break-up nila ni Dennis kaya kahit ang ina nga ng aktor ay hindi na niya ito nadadalaw dahil bahagi raw ito nang pag-move on niya.

Nakarating nga raw kay Cristine na medyo nagtampo sa kanya ang ina ni Dennis dahil inaasahan pa naman daw siyang dadalaw ito nang inoperahan ito kamakailan lang.

Nag-text na lang daw siya sa Mommy ni Dennis at sana nga raw naintindihan nitong kailangan lang niyang umiwas muna.

Walang komento naman si Cristine sa pagkaka-link ngayon ng dating nobyo kay Pauleen Luna.

“Kaibigan ko naman si Pauleen, eh. Okay lang po iyun,” sagot nito.

Okay raw sila ni Pauleen nu’ng nasa GMA- 7 pa siya pero ngayon ay wala na raw silang komunikasyon kaya kung totoong si Pauleen na ngayon ang bagong girlfriend ni Dennis, desisyon na raw iyun ng aktor at nanatiling magkaibigan pa rin daw sila ni Pauleen.

Kung naging daring na si Cristine sa unang pictorial niya sa FHM, mas matindi itong sa September issue ng FHM na kinunan pa sa kahabaan ng SCTEX.

First time din ang isyung ito ng FHM na may ka-flipside na cover na si Robin Padilla. Si Robin ang nangunguna sa 20 Pinoy Men Of Style nila kaya talagang binihisan nila ng bagong image si Robin at lalo pa itong nagmukhang bagets.

Other showbiz news today by Gorgy’s Park:

Rhian Ramos at Dingdong Dantes, tangkilikin kaya sa Stairway to Heaven?

By Gorgy’s Park

loading...

2 thoughts on “Robin Padilla, nasilaw sa kaseksihan sa FHM shoot – Gorgy’s Park

Leave a Reply

Your email address will not be published.