Robin Padilla, nakiusap sa fans na ‘wag tirahin si Maria Ozawa

Robin-PadillaPINAGPIYESTAHAN DIN sa social media ang isyu nina Robin Padilla at Maria Ozawa dahil sa ‘di pagkatuloy ng pelikula nilang Nilalang na entry dapat sa Metro Manila Film Festival.

Understandable ang rason ni Robin dahil prioritized naman niya siyempre ang pamilya.

Ang sabi ng manager ni Robin na si Betchay Vidanes, gusto naman daw nilang gawin pero hindi sila magkakasundo sa schedule.

Meron na raw kasing nakaplantsa na schedule pero hindi muna masusunod ni Robin dahil kailangang bantayan muna niya ang asawa na nagdadalang-tao.

Gusto lang munang matiyak ni Robin na maayos na ang kalagayan ni Mariel bago siya mag-concentrate sa shooting.

Si Robin pa naman, sobrang focused ‘yan kapag may ginagawang pelikula. Siyempre, hindi naman niya puwedeng iwan muna si Mariel para mag-concentrate sa sini-shoot niyang pelikula.

Kaya nakiusap silang bigyan lang ng sapat na araw para mabantayan muna si Mariel.

Pero hindi yata na-get nitong Japanese pornstar na si Mariel Ozawa kaya nag-i-emote siya at tinawag na unprofessional si Robin.

Tuloy siya ang tinira nang husto ng mga fans at followers ni Robin dahil hindi niya yata naintindihan ang kahalagahan ng pamilya.

Nag-sorry naman si Robin kay Maria at nakiusap sa mga fans niyang huwag nang i-bash si Maria at hayaan na lang daw na ilabas ang totoong nararamdaman niya.

Pero kahapon lang napansin ng mga researchers namin na tinanggal na ni Robin ang mga posts niya tungkol sa pelikula at ang statement nito kay Maria. Bakit kaya?

Ngayon ay nakatutok lang sila sa kalagayan ni Mariel dahil sabi nga nila, base sa ultrasound ay nakitaan daw nila ng tatlong sac, pero isa pa lang ay may heartbeat. Kaya inoobserbahan pa nila ito. Humihingi pa si Robin ng dagdag na dasal para sa safe na kalagayan ni Mariel.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.