Robin Padilla, maraming pagbabawal kay Mariel Rodriguez sa paggawa ng pelikula

MALAKI NA talaga ang ipinagbago ni Robin Padilla magmula nang maging Muslim na siya, lalo na nitong magdalaga na ang kanyang mga anak na sina Queenie at Kylie Padilla. Ito ay patungkol sa pagiging diretso ni Binoe sa kanyang mga nararamdamang paghanga sa mga naggagandahang babae sa showbiz. Naging tatak na kasi niya dati, na kapag mayroong magandang babae na sumisikat sa showbiz ay talagang pinapaulanan niya ng papuri hanggang sa ma-bighani na niya ang nasabing babae.

Kakaiba rin ang pagdating ni Mariel Rodriguez sa buhay ni Robin, dahil lalong iwas na iwas ngayon si Binoe na mapagkuwentuhan ang tungkol sa dati’y hilig niya sa maraming babae. Maging ang mga usapan tungkol sa pagnanasa sa kaseksihan ay nililimitahan din ng action superstar ang gusto niyang sabihin. Pansin ng marami ay hindi raw ganito ang husband ni Mariel nu’ng panahong si Liezl Sicangco pa ang kanyang karelasyon, dahil noon nga ang dami-daming babae na na-link kay Padilla.

Kahit ilang buwan lang ang naging ligawan nina Mariel at Robin ay matindi talaga ang tama niya sa magandang TV host.  Sa katunayan, sobrang okey kay Binoe na mas maging busy si Mariel sa hosting kumpara sa paggawa ng pelikula, lalo na kung hindi sila ang magkapareha. Hindi rin daw pumapayag si Binoe na kung gagawa si Mariel ng pelikula ay magkaroon siya ng mga seksing eksena kasama ng ibang aktor, lalo na kung may mga halikan pa.

 

PARA NAMANG kulang na kulang sa panahon si Gabby Concepcion para ang mga ipinapangako niyang mga bagay-bagay sa kanyang buhay ay kanyang maayos nang paisa-isa hanggang sa maplantsa ang mga gusot na dati niyang naiwan sa Pilipinas. Iyan naman kasi ang kanyang ipinangako nu’ng makabalik na siya rito sa bansa para magbalik-showbiz na rin.  Mabuti na lang at ‘yung tungkol sa pagkakalayo nila ng anak na si KC Concepcion ay naunang naayos.

Malakas kasi ang loob ni KC, dahil siya ‘yung naghanap kay Gabby nu’ng alam niyang kaya na niyang magdesisyon at kumilos. Pero ang ibang kapatid ni KC sa ibang mga babaeng naanakan ni Gabo ay hindi ganu’n katapang para mabuhayan ng desisyon na makaharap ang kanilang daddy. Nitong huli ay marami ang nagsimpatiya sa kanyang anak kay Jenny Syquia na si Cloie Syquia na nagdalaga na pala ay hindi pa nakakaharap ang dating karelasyon ng kanyang mommy.

Hindi naman ito nakapagtataka, dahil hindi rin naging maganda ang paghihiwalay ng landas nina Jenny at Gabby noon.  Parang bago nga naman maging maayos ang naka-takdang pagkikita ng mag-ama ay magkausap muna dapat sina Jenny at Gabby. Nito kasing pumasok na sa showbiz si Cloie at interbyuhin silang mag-ina ay hiningan si Jenny ng mensahe para kay Gabby. Walang gustong iparating si Jenny kay Gabby. Dahil mas maganda raw siguro na kung anuman ang gusto niyang sabihin para sa dating ka-relasyon, sabihin na lang niya iyon ng diretso kung magkaharap na silang dalawa.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Robin Padilla, maraming pagbabawal kay Mariel Rodriguez sa paggawa ng pelikula

  1. Baket naman ganyan si Tandang Robin? Maraming bawal sa asawa nyang si Mariel sakaling magkaroon ng mga projects, lalo na’t kung may halikan? E bakit siya, sinisibasib nya lahat ng mga leading ladies nya, tulad na lang sa GunsandRoses.. inulit ulit ang mga eksena ng halikan nila ni bea alonzo. Ngayon balitang todo-todo ang mga torrid kissing scenes nya kina Anne Curtis at ang ex-GF nyang si kris aquino.sa nalalapit nilang teleserye!!! Hayyyyyy ganun pa rin sya! Mahilig pa rin sa chicks… at kung mambababae siya uli, TIYAK iiwanan siya ni Mariel at TIYAK wala ng maniniwala sa kanya na nagbago siya sa kanyang pagkaBABAERO!!!! Sabagay may pambayad utang agad siya , walang iba kundi si KYLIE PADILLA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.