Robin Padilla & Kris Aquino:
U and Me Against the World!

ROBIN PADILLA
Real Name:Robinhood Ferdinand Cariño Padilla
Birthdate: November 23, 1969
Zodiac Sign: Saggitarius
Zodiac Sign: Sagittarius

Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday

Lucky Colors: Beige, Bronze, Blue, Indigo, Purple, Red and Violet

 

KRIS AQUINO
Real Name: Kristina Bernadette Cojuangco Aquino
Birthdate: February 14, 1971
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday
NAAALALA N’YO pa ba ang action-romance flick na You & Me Against The World na pinagbidahan nina Robin Padilla at Kris Aquino? Hindi? Well, we cannot blame you. Hindi na-promote nang maigi ang nasabing pelikula at nag-baboo rin ito agad sa mga sinehan many years ago. Gayunpaman, napanood namin ito sa isang local cable channel na nagpapalabas ng Pinoy films. In fairness, bagay na bagay talaga sina Binoe at Tetay, huh! Hindi man sila nagkatuluyan in real-life, lutang na lutang naman ang kanilang onscreen chemistry.
Reunited ang dalawa sa programang Kailangan Ko’y Ikaw ng ABS-CBN. Ka-love triangle nila rito ang dyosang si Anne Curtis, pero mas type pa rin ng fans ang love angle ng characters ng Badboy at Queen of Talk. Sa kanilang daring love scene ay umalma pa nga si Madam Mariel Rodriguez. O, sa sobrang lakas ng dating, pati si misis ay na-praning!
Meron nga bang dapat ikabahala si Mariel Rodriguez sa samahang Robin at Kris o wala? Itanong natin sa tsikadora nating starsung!
Ang chemistry sa pagitan ng Sagittarius at Aquarius ay likas na natural at sincere. Pareho silang outgoing, mahilig sa adventures at gustong laging nakikisalamuha sa mga tao. Trip nila na lagi silang on the go at ayaw nilang pinipigilan silang gawin ang mga bagay-bagay na kinahihiligan nila. Gusto nila na laging silang ‘in’ sa lahat ng bagay. Mas philosophical mag-isip ang Saggitarius, pero mas may sense of purpose naman ang Aquarius. Small difference, huh?
Kapag nagsama ang Saggitarius at Aquarius, bihira nilang mararanasan ang engkwentro sa relasyon. Pareho nilang pina-prioritize ang freedom, kaya nagiging maluwag din ito sa kanilang partner. Sakto lang din ang emotional o sentimental traits nila. Ang intellectual and reasonable conversations ang lalong magpapatatag sa kanilang pagsasama. Very minimal ang kanilang differences, at usually nga, hindi ito threat.
Isang matagumpay na relasyon ay madalas na resulta ng pagsasamang ito. Perfect sa chemistry. Perfect lang talaga! Well, now we know why Mariel couldn’t hide her jealousy all along! Buti na lang at sumugod agad si Pareng Binoe sa Wowowillie para i-assure sa iniirog na pang-teleserye lang ang panunumbalik ng pagtitinginan nila ni Tetay. Arghhh… Kalurqui ever!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

One thought on “Robin Padilla & Kris Aquino:
U and Me Against the World!

  1. I love this write up—-i don’t any reason for mariel  to worry parang nanay ang peg ni tetay compare to robin plus he showed the negas how much he adores mariel. haba ng hair mo madame.

Leave a Reply

Your email address will not be published.