Robin Padilla, kakausapin ang asawa tungkol sa anak na may BF na! – Lolit Solis

NGAYONG ARAW ANG dating ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Ang hinihintay ng lahat sa pagdating nito ay kung kasama ba nitong ang asawang si Jinkee?

Hindi maiwasang matanong ito kay Manny, dahil hindi naman puwedeng magdedma-dedmahan na lang, ‘di ba?

Dapat na magsalita na sila kung ano talaga ang totoo, dahil maraming naglalabasang speculations at lalo lang nadidiin si Krista Ranillo na kinamumuhian na ng karamihan lalo na ng kababaihan.

Hindi naman sanay magpaka-showbiz si Jinkee at nakikita mo talaga sa kanya kung ano ang totoo. Kaya tingin ko, magsasalita rin iyan at hindi magsisinungaling iyan.

Dapat na magsalita na rin si Krista dahil bukod sa pagkaka-link nito kay Manny, ang dami tuloy naglabasang pangit na kuwento tungkol sa kanya.

Dapat na ipagtanggol naman niya ang kanyang sarili dahil sirang-sira na siya sa mata ng mga tao.

Pero kung mananatili siyang tahimik, ibig sabihin, totoo itong mga naglalabasang kuwento tungkol sa kanila ni Manny.

Ang dami na raw nag-request na interbyuhin ito ng mga local press doon sa Los Angeles, pero tumatanggi ito kapag merong mga tanong tungkol sa isyu nila ni Manny.

Nakausap ng GMA-7 ang manager ni Krista na si Arnold Vegafria, at sinabi lang nitong pag-uusapan muna nila bago sila magpa-presscon para sagutin ang mga allegations na pawang negative sa kanyang alaga.

May pelikula pa pala itong ipalalabas, ang Marino, kung saan kasama niya si Allen Dizon at Ara Mina. Kaya mainit na mainit ito kung sakaling bumalik siya rito para i-promote ang pelikula.

May kuha pa nga raw itong nakahubo’t hubad sa pelikulang ‘yun at balak daw ng producer na ilabas ito.

Kasali rin siya sa Wapakman ni Manny kaya malamang na babalik siya rito para mag-promote ng pelikulang ito sa nalalapit na MMFF.

Kung balak ni Krista na sagutin itong mga naglalabasang isyu, sana totoo lang ang mga sasabihin niya.

ANG PAGKAKAALAM KO, kahapon naman ay dumating dito sa bansa ang dating asawa ni Robin Padilla na si Liezel Sicangco kasama ang mga anak nito.

Galing sila ng Australia para maki-celebrate ang kanilang mga anak sa kaarawan ni Robin sa November 23.

Nang nakausap ng Startalk staff namin ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes, malamang na hindi raw magsasalita si Liezel dahil sinamahan lang naman daw niya ang mga anak niya rito.

Ayaw naman daw nilang palakihin pa ang isyung hiwalayan, pero nangako naman si Robin na isa sa mga araw na ito ay pagbibigyan niya ang Startalk at magsasalita ito tungkol sa kalagayan na nila ngayon ni Liezel.

Pinaghahandaan na ni Robin ang pelikulang gagawin nito sa Star Cinema, pero sa ngayon ay ibibigay raw muna nito ang oras niya para sa kanyang mga anak.

May pag-uusapan din daw sila ni Liezel tungkol sa kanilang mga anak lalo na sa panganay nilang si Queenie na nagkaka-boyfriend na. Itong si Peejay Valerio nga ang boyfriend niya na mukhang okay lang naman kay Robin.

Abangan n’yo na lang ang pagsasalita ni Robin na sana nga mapanood n’yo sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Robin Padilla, kakausapin ang asawa tungkol sa anak na may BF na! – Lolit Solis

  1. SILA ARA AT KRISTA AY NAGKASAMA SA PELIKULANG MARINO…SILA MANNY AT MICHAEL DE MESA NAG-SUSUPORTAHAN,,,MMMHHHH.. . KONEK AND KONEK AND KONEK… SHOWBIZ TALAGA TIKIMAN NG TIKIMAN.. SARAP CGURO MAG-SHOWBIXES

Leave a Reply

Your email address will not be published.