Robin Padilla, itinangging hiwalay na sila ni Mariel Rodriguez

HIWALAY NA raw ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodrigez tulad sa mga naglalabasang mga balita sa dyaryo at usap-usapan sa showbiz. Kung dati-rati ay palaging magkasama ang dalawa (lalo na sa ibang bansa); sa huling biyahe ni Mariel sa Amerika ay hindi kasama si Binoe. Marahil du’n nagsimula ang tsismis na split na ang dalawa.

The truth is kaya bumiyahe si Mariel recently (minus her husband) ay para dalawin ang ama nitong may sakit.

Dahil sa pagiging isang mapag-alagang mister, kung hindi nga lang naka-finalize na ang schedule ng shooting ng MMFF 2013 entry niya na 10,000 Hours, makakasama sana si Binoe sa misis niya.

Kung hiwalay na ang dalawa, dapat sana ay hindi kasama si Mariel sa paglipat sa bagong bahay na ipinatayo ni Binoe sa kanyang misis sa Multinational Village sa Parañaque kamakailan.

Kaya nga natataka ang actor kung saan nagsimula ang balita na ang pakiwari niya ay sa biyahe ng misis niya na hindi siya kasama, na siyang nakasanayan ng marami that they always travel together. From Europe to the USA to Russia, punum-puno ng pagmamahalan ang dalawa kapag magkasama sila.

Ngayon na ang mga Muslim sa buong  mundo ay nagpa-fasting because of Ramadan, ang shooting ni Robin ay on-hold din. Mula nang magpalit siya ng kanyang faith from Jehovah’s Witness to Muslim; religiously ay pina-practice niya ang lahat ng turo ng Koran at teachings ni Allah.

By August 10 after ng Ramadan, magre-resume ang shooting ng pelikula niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Robin Padilla, itinangging hiwalay na sila ni Mariel Rodriguez

  1. She burned her bridges and has no friends. Maraming nakaaway sa dos. Retire na lang siya..

  2. I saw mariel r. in narita japan june 19th on my way back to the states.. sobrang ganda talaga nya at mestisa talaga..pero di nya kasama si robin.i think nanay nya or assistant yung kasama nya. friendly naman sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.