Robin Padilla, ipinaubaya na kay Daniel Padilla ang bandila ng kasikatan ng angkan

1 Robin-PadillaHINDI MADAMOT si Robin Padilla pagdating sa pagdadala ng kasikatan. Kaya nga, dahil matagal na niyang naranasan ang mainit na popularity, wala siyang pag-aalinlangan na ipaubaya na hawak ngayon ni Daniel Padilla ang bandila ng kasikatan ng kanilang angkan. Mayabang lang talaga ang dating ni Binoe, sa kilos at pananalita.  Pero sa kaloob-looban, alam ng mga taong nagmamahal na nakapaligid sa kanya, na kahit naging action superstar siya, mababa talaga ang kanyang kalooban.

Sumunod din talaga si Robin sa yapak ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. dahil ang maganda niyang intensiyon para sa movie industry ay maibalik ang sigla ng action films. Kaya nga nga mayroon siyang pelikulang Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak mula sa Star Cinema. Nagtagal ang kasikatan ni Binoe, dahil sa abot ng kanyang makakaya, ang dami-dami niyang gustong tulungan na mga manggagawa sa showbiz. Mapagmahal din siya sa kanyang mga fans.

Hindi nagkakamali si Robin na kilalanin ang kasikatan ngayon ng kanyang pamangkin na si Daniel, dahil kung nasaan na ngayon ang kasikatan ng kapareha ni Kathryn Bernardo sa teleseryeng Got To Believe ng ABS-CBN, alam na ng bagets actor ang kanyang responsibilidad bilang artista para makapagpasaya ng kanyang mga fans. Proud si Binoe sa sinasabi ni Daniel na happy na siya basta’t alam niyang nakapagpapasaya siya ng mga taong nanonood ng kanyang mga teleserye at pelikula.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

3 thoughts on “Robin Padilla, ipinaubaya na kay Daniel Padilla ang bandila ng kasikatan ng angkan

  1. Good Grief, who are you kidding. Ngayon lang itong si Binoe nagpa nice nice kay Daniel dahil sikat na ito, Nakita ko yung guesting nila ni Mariel, Robin at Daniel. Makita mo talaga na may ilang factor. Sinabi pa nga ni Daniel hindi daw sila close ni Binoe. At ang mukha ni Mariel, ang arte, parang may galit nung time ng interview. Sana hindi na yan tanggapin pa ng ABS (walang loyalty ang nag eenarte pa rin yan nong time na umalis na at pumunta kay Kuya Wil) at sana wala na ring other network na tatanggap sa kanya dahil di ba tinawag nya ang GMA na BADUY? hahahahahahaha.

  2. IPAUBAYA ANG KASIKATAN? EH TALAGA NAMANG LAOS NA SYA. EVIDENT YUNG MGA TELESERYE NYA SA ABS NA DI NA NASUNDAN, YUNG MOVIE NYA NA KULELAT. YAN NA NGA AT WALANG NETWORK NA GUSTO SYANG HAWAKAN. BUTI NA LANG MAY DANIEL SILA AT LEAST MAY KITA SILA ULIT

Leave a Reply

Your email address will not be published.