Robin Padilla, interesadong gawan ng pelikula ang Maguindanao massacre! – Ruben Marasigan

KALIGAYAHAN NA NI Robin Padilla ang makatulong sa kapwa. Kaya patuloy niyang itinataguyod ang adhikain niyang mapag-aral nang libre ang mga batang naka-enroll sa kanyang ipinatayong school sa may Fariview, Quezon City. At natutuwa naman daw siya na pati ang kanyang mga anak, lalo na si Queenie at Kylie, ay boluntaryong nagkakaroon ng partisipasyon dito.

“Sila’y nagiging mga teacher aid,” buong pagmamalaki ngang kuwento ni Binoe. “Tapos ‘yong ibang charitable projects ko, kasama rin sila. No’ng mga nakalipas na panahon nga, pumupunta rin sila sa mga war-torn areas at nagbibigay ng mga relief goods. Malaki talaga ang partisipasyon ng mga anak ko.”

Usap-usapan pa rin ngayon ang malagim na krimeng nangyari sa Maguindanao. Labis din umano ang pagkalungkot ni Robin higgil dito.

“Pero siyempre, inaasahan nating magkakaroon ito ng hustisya. At bilang mga Muslim at Kristiyano, huwag din naman tayong basta turo nang turo kung sino ang posibleng gumawa. Hintayin na lang natin ang kalalabasan ng imbestigasyon.”

Mula sa perspektibo ng isang actor at movie producer na rin, sumasagi ba sa isip niya ang interes na isapelikula ito?

“Sa ngayon siguro hindi pa puwede. Sino ba ang ayaw? Nakita naman natin ang pelikulang ‘Killing Fields’ sa Cambodia.  Pero sa ngayon, nagsasagawa pa ng imbestigasyon. Hindi tama dahil makapagbibigay tayo ng maling opinion o paghusga sa kapwa.

“Alam mo, napakaselan ng pangyayari sa Maguindanao. Ibigay natin sa mga tamang tao ang tungkol diyan upang makamit ng bawat taong naagrabyado ang hustisya.

“Sa ngayon, hindi pa dapat gawan ng pelikula. Bagkus dapat gawan ng mga dokumentrayo upang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa ARMM (Autonomous Region of Mindanao).”

Tungkol naman sa personal na takbo ng kanyang buhay, masaya naman daw siya ngayon. Although talagang pinakaiiwas-iwasan niyang magsalita tungkol sa kanilang dalawa ng asawang si Liezl Sycangco , mula nang mabalitang naghiwalay na sila several months ago.

Early next year ay magiging aktibo na naman daw siya sa paggawa ng pelikula. And this is what he’s looking forward nga raw.

“Maraming mga pelikulang nakalinya sa akin na iba-iba. May love story. May comedy. Ah… ako’y nananabik na muling humarap sa camera. At ako’y nasasabik din siyempre sa mga dalaga na nagpaparating na sila’y katulad kong nasasabik din sa nalalapit naming pagtatambal.”

Sinu-sinong aktres nga ba ang possible niyang makasama sa pelikula?

“Huwag na tayong magbanggit!” Natawang sabi ni Robin. “Baka may makalimutan pa tayo, eh, magkaroon pa ng tampuhan. Ang importante, eh, silang mga naggagandahan at nagbabanguhang dilag, eh, talagang ako’y walang ibang ginagawa kundi abangan ang paggiling ng camera.

“Masaya talaga ako sa takbo ng buhay ko ngayon. Wala na akong mahihiling pa. Lahat na ng pagpapala ay ibinigay na sa akin ng Diyos. Napakawalang-utang na loob ko naman kung sasabihin ko pang ako’y malungkot sa ngayon. Dahil napakasarap na po ng buhay ko.”

Kumusta naman sila ni Liezl ngayon?

“Ayos kami. Masaya kami. Basta masayang-masaya kami.”

Handa na ba siya para magkaroon muli ng panibagong pag-ibig?

“Ah… darating ‘yon. Basta sa ngayon, gusto ko munang magawang lahat ‘yong mga naka-line up na pelikula sa akin kasama ang mga naggagandahang dalaga na nagpaparating na gusto akong makatrabaho. Excited ako ro’n. Mas iyon ang tinitingnan ko kesa ‘yong pag-ibig-pag-ibig.”

Before, nagkaroon siya ng tatak bilang makarinyong leading man. Na halos lahat ng kanyang nakapapareha ay nali-link sa kanya.

“Makarinyo, ha!” Natawa si Robin. “Mabuti na lang Cariño ang apelyido ko! Ha-ha-ha!”

Hindi kaya isa sa mga nakatakdang maging leading lady niya ang sunod na kabanata ng kanyang buhay pag-ibig?

“Wala namang masama ro’n. Kung mangyayari man iyon. Pero… hindi ko priority ‘yan. Ang gusto ko lang ay makagawa ng magandang pelikula kasama nila. At kung anuman ang mangyayari sa paggawa namin ng pelikula.”

Kailan naman niya bibigyang-pansin nga ang tungkol sa personal na kaligayahan niya at pagkakaroong muli ng bagong pag-ibig?

“Kagaya ng sinabi ko, masaya ako ngayon sa buhay ko. Saka na lang ‘yang tungkol sa bagong pag-ibig na ‘yan.”

May message siya kay Liezl?

“Huwag na nating gawing madrama ‘yong tungkol sa aming dalawa. Basta masaya naman kami pareho ngayon. Halos araw-araw nagti-text kami sa isa’t isa.  Wala namang problema, so hayaan na lang nating gano’n,” panghuling nasabi ni Robin.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

3 thoughts on “Robin Padilla, interesadong gawan ng pelikula ang Maguindanao massacre! – Ruben Marasigan

  1. mahirap lang talagang pilitin para kay robin ang totoong maging masaya. pero kailangang gawin at pangatawanan nya dahil na rin sa pride, kawawang robin kung baga ay sa tinik nya sa mga leading lady nya sya ay naisahan. kailan lang nya sinasabi na ok sila at yung trip nila buong pamilya yun pala ay di totoo dahil naunahan na pala sya ng asawa nya. poor robin kung kinakailangang umiyak ka gawin mo para lumuwag sa dibdib para wag sumabog. bad boy na naturingan.

    • ISA PA TALAGA etong si robin di na lang tumahimik magpakalalaki ka na lang habang nag aaction na may ipot sa ulo at wag mo nang pagtakpan ang pangyayari sa at gamitin ang maguindanao issue para lang i divert ang atensyon ng tao sa nangyari sayo.

      learn to be genlemen wa na yang mga usaping maguindanao issue na gusto mong isapelikula, action agad wag yung satsat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.