Robin Padilla, inako lang ang anak ni Jobelle Salvador

SA WAKAS, NILINAW na ni Jobelle Salvador ang issue patungkol sa anak nila umano ni Robin Padilla. Matagal nang napapabalita na nagkaroon ng bunga ang kanilang relasyon.

Sa isang interview, inamin ni Jobelle na hindi  sila nagkaanak ni Robin tulad ng inaakala ng lahat. Inako at sinalo lang pala ni Binoe ang responsibilidad sa anak ng aktres nu’ng time na tinalikuran ito ng tunay na ama. Itinuring naman ito ni Binoe na kanyang parang tunay na anak.

Sa ngayon, 21-years old na ang bata na nasa Amerika at alam na rin nito ang buong katotohanan. Lubos namang nagpapasalamat si Jobelle sa lahat ng tulong na ginawa ng aktor.

Sharon, aminadong nawalan ng dating dahil sa katabaan

Dahil sa kanyang timbang, nakaranas pala si Megastar Sharon Cuneta ng kalungkutan dahil sa tuwing titingin siya sa salamin, nasasabi niya sa kanyang sarili: “Nawala ang pagiging leading lady ko…”

Na-postpone at nawalan siya ng proyekto at na-disappoint siya sa nangyari. Kaya ba siya tinanggihan ni Aga Muhlach na makasama sa isang proyekto?

Naranasan daw ni Mega ang tuksuhin na mataba, ngunit dinadaan na lang niya sa tawa ang lahat. Minsan daw, pati ang kanyang anak na si Miel ay sinasabing: “Mom you’re so thin” o “Mama you’re little taba.”

Masarap daw kasi ang kumain lalo na ngayon dahil siya ay nagbi-bake ng cake. Saka siya nag decide nu’ng nawawala na ang kanyang proyekto, sikreto siyang dumaan sa mga treatment ng pagpapapayat. Sinagot niya rin ang issue tungkol  sa kanyang pagkakasakit. Tinanong namin kung ang pagda-diet ba ang dahilan kung bakit siya nahilo. “Hindi naman,” aniya. Sobrang napagod lang din daw siya, dahil Araneta nga naman ang pinagdausan ng kanyang birthday concert.

Kris Bernal, pinakikialaman ng magulang ang perang kinikita?

Inamin ng magandang aktres na hindi pala siya ang humahawak ng perang kinikita niya sa lahat ng mga projects. Hanggang ngayon daw, nagpapaalam pa raw ito sa kanyang mommy ‘pag may gusto siyang bilhin.

Nais ng magandang dalaga na maayos at makabuluhan ang paggastos ng perang kinita mula sa pag-aartista. Isa sa pinag-iipunan nito ang pagbili ng bagong sasakyan. Napag-alaman din namin na gusto pala niyang ituloy ang kanyang pag-aaral, pero sa ngayon ay hindi pa niya ito magawa dahil sa trabaho.

Patungkol naman sa kanyang dating leading man na si Aljur Abrenica, inamin nitong malaki ang panghihinayang na hindi siya ang napiling leading lady. Matatandaang nagsimulang maging close ang dalawa ng pagtambalan nila ang iba’t ibang proyekto kahit na napapabalitang may kani-kaniya silang loveteam sa tunay na buhay.

Sa ngayon, isang Jay Perrillo ang consistent na nagpapasaya kay Kris, kahit na itinambal siya kay Rocco Nacino at Steven Silva sa panghapong drama. Hindi na rin naitago ng dalaga ang balitang pagte-text-an daw nila ni Jolo Revilla. Pormal na raw silang ipinakilala sa isa’t isa at simula noon, nagsimula nga ang palitan ng kumustahan sa text, ngunit hiniling na huwag munang bigyang-kulay ang pagkakaibigan nila.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.