Robin Padilla, hirap makasama si Mariel Rodriguez sa Dos?!

INIINTRIGA NGAYON ang pagbabalik Kapamilya ni Alex Gonzaga pagkatapos hindi ni-renew ang kontrata niya sa Singko. Hindi maganda ang feedback na naririnig namin tungkol sa dalaga. Naging antipatika na raw ito sa paningin ng kapwa niya artista pati na rin sa mga nakatrabaho nito sa Kapatid network. Kung hindi raw sa power ni Toni Gonzaga, malabo na raw makabalik sa Dos ang utol nito. Naipasok nga niya agad- agad si Alex sa The Voice, kung saan emcee ang singer-actress.

Ang tsika, kung si Alex ay mabilis na tinanggap ng ABS-CBN sa tulong ni Toni, bakit si Mariel Rodriguez na hanggang ngayon ay wala pang linaw kung makababalik pa ito sa dati niyang home studio. Matagal rin namang naging Kapamilya ang magaling na TV host. Pero ang balita, may tampo raw ang mga big boss ng Dos kay Mariel dahil sa ginawa nitong eksena nu’ng may teleserye sina Robin at Kris Aquino.

Naging malaking issue nang magselos si Mariel sa kissing scene nina Robin at Kris na gumawa ng ingay sa movie industry. Naging sentro pa nang intriga ang tampuhan ng mag-asawa dahil kay Kristeta. Nang mabalitaan ito ng Queen of All Media na may selos factor si Mariel, agad nitong tinawagan ang TV host, nag-heart to heart talk ang dalawa. Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap.

Si Robin naman, personal na pinuntahan si Mariel sa show ni Willie Revillame para suyuin ito. Kaya lang, bawal palang umapir si Binoe sa ibang istasyon kaya’t naging issue rin ‘yun.

Mainit ding pinag-usapan ang pag-alis ni Robin sa show na Todo Max. Hindi maipaliwanag ng istasyon kung ano ang naging dahilan. Maging ang action star ay nanahimik tungkol sa issue. Pero inamin ni Angel Locsin na hindi na babalik si Robin sa kanilang sitcom.

Ang latest tsika, kung sakaling may bagong TV show na i-offer ang Kapamilya network kay Binoe, request daw nito kasama si Mariel sa bago niyang show. Nakakainsulto nga naman sa side ni Robin kung hindi pagbigyan ang kanyang kahilingan. Ibig sabihin, mas powerful si Toni sa Kapamilya Network kaysa kay Robin Padilla. Ganu’n ba ‘yun ?

 

ILANG BESES nang naisulat ang hiwalayan nina Paulo Avelino at LJ Reyes. Pero ang totoo, patuloy pa rin ang kanilang relasyon. Imbes na makatulong sa career ng actor ang paghihiwalay kuno nilang mag-asawa. Naging nega tuloy siya tuwing nababanggit ng media si LJ sa kanyang mga interview. Naiirita si Paulo kapag sentro na ng usapan ang kanyang live-in partner.

Akala kasi ni Paulo, magtutuluy-tuloy ang kanyang kasikatan after ng teleserye nila nina Coco Martin at Julia Montes, nagkamali siya. Nang gawin niya ang TV series with Angeline Quinto, hindi ito kinagiliwan ng publiko. Luma na kasi ang concept ng show kaya’t sandali lang ito sa ere, natsugi agad. May balitang may bagong teleseryeng gagawin si Paolo na tiyak daw na kagigiliwan ng manonood. Abangan…

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

10 thoughts on “Robin Padilla, hirap makasama si Mariel Rodriguez sa Dos?!

  1. hehe! agree ako sa lahat ng nag comments dito. i don’t like Mariel either..not anymore. why not beg willie revillame to give her a job instead? total pinatunayan nman niya na mas loyal siya doon kaysa ABS. Mariel is nothing compared to Toni Gonzaga. Kahit pagsamahin pa ang powers nila mariel at binoe, wala pa rin sila sa galing ni toni gonzaga. Sana hindi na nga siya tanggapin ulit sa ABS

  2. DYUSKO, AKALA MO NAMAN MAGRE-RATE KAPAG NAGKAROON SILA NG SHOW HAHAHAHAHA! AMBISYOSO RIN ITONG SI ROBIN, AKALA NIYA TATANGKILIKIN PA SILANG DALAWA NG ASAWA NIYANG HILAW EH, YUNG GINAWA NGA NILANG PELIKULA DATI HINDI NAMAN KUMITA AT ISA SA MGA FLOPCHINANG MOVIE SA KASAYSAYAN NG PELIKULANG PILIPINO HAHAHAHAHAHA!

    • HAHAHAHA. DI MO BA PINANOOD ANG “TUM?” KALOWKAH. PERO TEKA, ANO BA ITONG SI ROBIN, LAOCEAN NA O SEMI-LAOCEAN PA LANG?

      • NAKU ‘TEH, NAPANOOD KO PERO INANTOK AKO AT WALA NAMAN KASI AKONG KASAMA SA LOOB NG SINEHAN KUNDI AKO LANG, HAHAHAHAHAHAHAHA! KALOKA DI BA? KUNG TINATANONG MO KUNG LAOCEAN NA OR SEMI-LAOCEAN NA SI BINOE, WELL, MALALAMAN NATIN YAN SA DARATING NA MMFF KAPAG NANGULELAT ANG ENTRY NIYA, ALAM NA! HAHA!

  3. akala naman ng mag-asawang peke na toh na kailangang kailangan sila sa showbiz, insecure nga si robin sa pamangkin niyang si daniel eh, hahaha

  4. si alex kasi hindi nilayasan ang DOS noon nang dahil sa bigger offer ng ibang network, yun ang pinagkaiba nila ni mariel, sukat ba namang sumama siya kay willie tapos ngayon nabalitaan niyang matsutsugi na ang show sa october,  gusto niyang bumalik? bakit naman siya tatanggapin, sumama siya kay willie sa kangkungan, kasama ng mga staff nila

    • Hindi naman sumama si Mariel kay Willie kundi sumunod lang matapos niyang iwan ang Happy Yipee Yehey ba yun na lunchtime show ng Dos? Dahil nga nagkaron sila ng malaking alingasngas ni Toni Gonzaga tungkol sa “duling” issue. After one year, nagigbak ang HYY. Akala ni Mariel saved by the bell siya. Pero tama ka, ang WWW naman ang may taning ngayon kaya nagpaparamdam naman si Mariel na gustong bumalik sa Dos. At idinadaan niya ito kay Robin kaya maraming kaartehan si Robin ngayon sa management ng Dos.

  5. Walang ka taste taste tong Mariel na to magseselos rin lang pinagselosan pa ang Bingkong ang mukhang si Kres Akino. Ayan rekomended ka tuloy  ngayon ng Mutya ng mga sinto sinto para 
    I-ban sa dos. Sorry ka na lang Miss Rodriguezzzzzzzz de Padillaaaaaaaaa.

  6. Oo naman …ABS needs Toni Gonzaga cuz shes all around and shes good at what she does..all her movies are blockbuster….thats funny cuz ABS doesnt need Robin….it can go on and do well as always without robin 

Leave a Reply

Your email address will not be published.