Robin Padilla, hahalukayin ang ugat ng angkan sa España

Robin-PadillaUMALIS NA last week si Robin Padilla patungong Spain, kung saan magsisimula siyang manaliksik sa ugat ng kanilang pamilya as a “Padilla”. Sa Cataluna, Spain yata ang ancestors ng mga Padilla na gusto niyang halukayin ng kasaysayan.

Sayang at nakaalis na siya nang sumagot siya sa Instagram message niya sa amin na hindi namin nabasa early last week.

Ang alam namin, ang misis niyang si Mariel Rodriquez, susunod sa kanya. Ang balita nga namin, doon sila muli magbubuo ng kanilang nausyaming “baby”.

The fact na tapos na ang taping niya sa sitcom nilang magkakapatid (Rommel Padilla at BB Gandanghari) sa istasyon ni MVP, mukhang matatagalan nang kaunti ang Idol ng Bayan sa España bago makabalik ng ‘Pinas.

Sa kanyang pag-alis last week (inihatid siya ni Mariel sa airport), sinimulan naman niya ang bago niyang pelikula, kung saan makasasama niya ang anak na si Kylie Padilla at ang pamangkin na si Daniel.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleKC Concepcion, ayaw magpakahon
Next articleCarla Abellana, tinira ng bashers dahil sa kayabangan

No posts to display