Robin Padilla, gustong magkaroon ng rebolusyon?

Robin-PadillaTILA MAY gustong itawid na mensahe ni Robin Padilla sa pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak, kung saan all- star cast ito ng Pamilya Padilla  na produced ni Binoe at ng Star Cinema.

Sa trailer pa lang, tulad ng last movie niyang 10,000 Hours noong nakaraang Disyembre na nagwaging Best Picture sa MMFF 2013 na may mensaheng hindi siya sang-ayon sa umiiral na sistema; ang bagong pelikulang aksyon ni Binoe tungkol sa pamilya na nagpasimula ng grupong Kuratong Baleleng (mga taga-Ozamiz City sila) ay tila hindi nalalayo sa personal advocacy niya.

Gusto ni Robin ng “revolution” tulad ng mga pinu-post niya noong nakaraang Kapaskuhan sa kanyang IG account.

Kung ano man klaseng rebolusyon ito, hindi malinaw sa akin.

Pero base sa nababasa ko sa mga pahapyaw niyang  kumento sa kasalukuyang estado, tila hindi siya sang-ayon; hindi siya kuntento. Gusto niya ng pagbabago.

Pero ang alam ko sa revolution, lahat madugo. Lahat ng rebolusyon ay may mga buhay na kapalit.

Dahil sa rebolusyon na gustong maganap ni Robin, panimula na kaya itong video clips na pinu-post niya sa Instagram account niya sa anak niyang si Ali (isang menor de edad) na nagbabaklas ng high powered firearms?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Robin Padilla, gustong magkaroon ng rebolusyon?

  1. Wala na. Malala na ang pagka praning ng taong ito. Bagay sila ng misis niyang si Mariel. Sigurado, FLOP na naman ang movie nila, maski na andiyan si Daniel. Nakakairita kasi ang magasawang ito. Dapat ang susunod na movie nila, si Tanders at si Tupperware. Mga sira ulo.

  2. Hala, nandito pala yung demented and idiot fantard ng kabila na tinutukoy ni Alex Brosas sa article niya ngayon. LOL!!!

  3. nyahahahah ano kayang rebolusyon ang gusto nitong si Robin,,,he he,,,,hindi naman pwedeng rebolusyong laban sa mga Beki….madadamay ang kanyang ate BB at pamangking si danielita hahahah ano kaya yun?….baka laban sa mga Dilawan….hahahha wait na lang siya ng 2016

    • Gusto niya ng rebolusyon sa Mindanao, sa Sabah, sa administrasyon dahil isinangkot ang mga kaibigan niyang Estrada sa pork barrel scam at marami pang iba na walang katuturan. Baka naman mayroon ng rebolusyon na namumuo sa utak ng taong ito. Dapat patingin na sa psychiatrist.

Leave a Reply

Your email address will not be published.