Robin Padilla, ‘di p’wedeng pagbawalang makipaghalikan sa leading lady

NAGSALITA NA rin si Robin Padilla sa isyung muntik na siyang layasan ng misis na si Mariel Rodriquez dahil diumano sa pagseselos ng huli sa nag-aapoy na love scene nila ni Kris Aquino sa Kailangan Ko’y Ikaw.

Sa panayam kay Robin, tahasang inamin ng actor na masyado raw naapektuhan si Mariel sa mga huling kaganapan sa teleserye.

Pero nanindigan si Robin na walang dahilan para magselos ang asawa niya sa samahan nila ngayon ni Kris. “Alam naman ni Kris ang hangganan namin. Sa edad naming ito, hindi na namin siguro pa tatawirin ang ilog na mahirap languyin. Masaya kami bilang magkaibigan,” say ni Robin.

Kinumpirma rin ni Robin na isinauli ni Mariel ang wedding ring nila at nag-alsa balutan ito sa kanilang bahay.

Pero paglilinaw ng actor na hindi natapos ang araw ay nagkasundo rin sila ni Mariel dahil na rin sa tulong ni Kris, kung saan tinawagan at kinausap raw nito ang misis niya para iklaro ang lahat ng nangyari sa kanilang eksena ni Robin.

Ngunit sa kabila ng mga nangyari, itinanggi ni Robin na malilimitahan na ang paggawa niya ng mga love scenes sa TV at sa movie project.

“Bakit magiging bawal? Kasama talaga ‘yun. At kahit kailan ay hindi magiging balakid si Mariel sa anumang trabaho ko.

“Ang ginawa ko ay pagsuyo ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae. Pero hindi ibig sabihin ay ibabahag ko ang buntot ko para sa asawa. Kailangan maintindihan ng asawa ko ang aking punto,” pahayag pa ni Robin.

So, in short. Hindi puwedeng under-in ang isang Robin Padilla.

Siguro kung nagmatigas pa si Mariel at hindi nito maintindihan na trabaho lang ang ginagawa ni Robin ay ‘di malayong maghiwalay ang dalawa.

 

TIKOM PA rin ang bibig ni Lovi Poe sa isyu sa kanila ni Roco Nacino sa diumano ay malaswang dance number nila sa Party Pilipinas two weeks ago. Matapos mag-isyu ng public apology ng GMA 7 at akuin ang kanilang kasalanan, tumanggi na ngang mag-comment pa si Lovi.

Mas ginusto pang mag-comment ni Lovi about sa pagtulong sa kapatid sa ama na si Grace Poe Llamanzares.

Kahit na raw hindi siya pakiusapan ng kapatid, handa siyang tumulong dito. Hindi lang niya masabi kung saan-saang lugar siya pupunta.

Samantala, isang simpleng birthday celebration lang ang idinaos ni Lovi para sa kanyang kaarawan (ano na ang ginagawa ng manager niya para bigyan siya ng bonggang birthday celebration).

Naka-concentrate siya ngayon sa kanyang showbiz career at loveless daw siya hanggang ngayon kaya malamig ang Valentine’s Day niya.

Isang sexy movie ang natapos niya under Regal Film with Paulo Avelino at Jennylyn Mercado. Sa tindi raw ng ginawa nilang love scene ni Paulo at sa klase ng role na ginampanan niya sa movie, ito na raw ang pinakadaring na pelikulang nagawa niya.

 

ANG SARAP palang maging staff ni Tim Yap. Sa mga hindi nakakaalam, isang successful businessman si Tim aside sa pag-aartista at pagho-host ay may iba’t ibang resto business siya na dinarayo ng mga tao.

Napaka-generous ni Tim sa mga empleyado niya. Imagine, dadalhin niya ang kanyang staff sa Miami, Florida para magpalipas ng Holy Week sa March. At say, aabot daw ng P1 M ang gagastusin niya para sa trip na ‘yun ng kanyang staff.

Maganda pa ay si Tim na rin ang nag-ayos ng US Visa nila. Sabi ni Tim, maganda raw ang naging outcome ng kanyang company kaya gusto niyang suklian ng maganda ang kanyang staff.

Kailan naman kaya niya iti-trip ang mga kaibigan niyang entertainment press?

 Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

8 thoughts on “Robin Padilla, ‘di p’wedeng pagbawalang makipaghalikan sa leading lady

  1. Kasal na bang talaga si tupperware queen at si nagmumurang kamatis ? Ang OA naman ng backstabber na ito. Padausdos na kasi ang career. Ito namang si Binoe, mahilig din sa gimik para lang isalba ang career. Nakakadiri na ang dalawang tumatandang paurong na ito.

  2. Buti nalang robin padilla ka na dahil kung ngkataon na wala ka pang napatunayan, tiyak, mawawalan ka ng projects o dili kaya eh hindi bibigyan dahil sa chaka mong asawa.  kabwiset talaga pag nagpapapansin itong mariel na ito – jusme nagsoli ng singsing dahil sa kissing scene ng asawang “artista” na ginagawa lang ang trabaho. Sarap kutusan, nag apologize matapos mag OA at luka lukahan.  Gumawa nalang kayo ng teleserye at pelikula ng asawa mo basta puro ikaw ang leading lady para wag ka ng mag inarte.  Agree ako sa sinabi ni BB — matured na dapat! 

  3. mayado lng OA at SUPER MAARTE yng mariel nayan, wala nmang masama dunsa eksena nina kristeta at robin kc mg-asawa nman role nila dun, ang inexpect konga e super tindi at torid ng kisiing scene nila kc un ang sbini kris during dier promo na laplapan daw tlaga, bka inedit nlng cguro kung hindi bka lalong ngwala c marielita…malay naten bka gimik nglang din lahar ng yan…

    • baklitang bangus naman kasi yang si tim yap, siya yung tinutukoy ni mr. fu sa radio program niya na malakas ang tama kay rocco nacino…patay na patay daw si tim kay rocco haha! hayok na hayok!

      • WELL CUTE NAMAN KASI ANG LOLO ROCCO HA, KAHIT MAIKSI ANG MGA LEGS. MORENONG MAKINIS PA. KASO, WALA BANG BAHID? DI KO MAAMOY EH.

Leave a Reply

Your email address will not be published.