Robin Padilla, ‘di nagpabayad sa 2 pelikula!

PINABULAANAN NG production staff ng Paparazzi na mawawala na sila sa ere dahil hindi naman daw nagri-rate ang nasabing talk show kaya inilipat ito ng Sabado na dati tuwing Linggo. Nanganghulugang number one pa rin ang The Buzz ni Kuya Boy Abunda kaya iniba nila ang timeslot ng show.

“Nakakaloka nga ang balita. Kami pa ang huling nakaalam na magsasara na pala ang show namin. Mali ang info na nakuha ng nagsulat. Hindi rin totoo na ‘yung bagong show nina Ruffa Gutierrez at Mariel Rodriquez at Lucy Torres ang ipapalit sa amin. Ibang ‘show ‘yung sa kanila, kaya sorry na lang sa mga nang-iintriga sa amin. We’re here to stay at mataas ang rating namin,” pagmamalaking sabi ni Elmer (floor director ng show).

Maging si Cristy Fermin ay nilinaw ang tungkol sa issue. Pinag-uusapan daw kasi ang maiintriga nilang balita sa Paparazzi kaya binabato sila ng intriga. Mula raw nang nagsimula ang talkshow nila, hindi bumababa ang rating nito. Katunayan nga, lalong naging kapana-panabik ang kanilang show nang mapabilang si Zoren Legaspi bilang isa sa mga co-host nina Cristy, Ruffa and Dolly Anne Carvajal. Matapang daw kasing magbigay ito ng comment tungkol sa kapwa niya artista.  Ganu’n ?

 

SUPER HECTIC ngayon ang schedule ni Robin Padilla. Busy siya sa dalawang show ng ABS-CBN. Ang Toda Max (2nd season, ta-ping schedule, Monday, Wednesday and Friday) at teleserye with Kris Aquino and Anne Curtis (Tuesday, Thursday and Saturday). Tatlong pelikula ang gagawin ni Binoe sa taong ito kung hindi magbabago ang shooting schedule. Sisimulan muna niya ang true-to-life story ni Ping Lacson. Mismong ang senador ang pumili kay Robin for the said role. Naniniwala kasi ito na walang ibang action star ang makakaganap sa papel niya kung hindi si Robin under the direction of action director Romy Suzara.

“Nag-meeting na kami si Senador Ping kasama si Direk Romy at maayos ang aming pag-uusap. Mauuna kong gawin itong kay Senador kaya panay ang taping ko. Medyo matatagalan kami sa Europe kung saan kami nagsi-shooting with Mariel Rodriguez bilang asawa ko.”

Magkano naman kaya ang ibabayad kay Robin sa big-budgeted movie ni Senator Ping Lacson? “Sa totoo lang, hindi ako nagpaba-yad sa project na ito ni Senator Ping. Maging ‘yung movie namin ni Willie sa Viva Films, wala rin akong bayad.” Ang gusto ko lang, sa akin ‘yung copyright ng pelikula ko at nag-agree naman sila. Para naman kung sakaling mawala na ako may ipamamana ako sa mga anak ko, ‘yung mga pelikula ko.”

Excited din si Willie sa pagbabalik-pelikula niya with Robin under Viva Films. Ayon sa action-superstar, puspusan daw ang pagpapayat ng controversial TV host para sa movie nilang dalawa. Inaayos na raw ang script kaya sa pagbabalik niya mula sa Europe, ‘yung project nila ni Willie naman ang gagawin niya.

“Dati nga Sunday ang rest day namin ni Mariel, pero ngayon kahit linggo kumakayod tayo. Sayang naman itong biyayang pinagkakaloob ng Panginoon kung hindi natin sasamantalahin. Minsan lang dumating ang ganitong blessing so tanggapin natin, trabaho ito,” pahayag ni Robin.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

10 thoughts on “Robin Padilla, ‘di nagpabayad sa 2 pelikula!

  1. Hindi nagpapabayad si Robin dahil wala namang gustong kumuha sa kanya. Ito lang ang paraan para magkaroon siya ng project. Otherwise, siya ang magpro-produce. Takot lang niya. Pag TUM-ulad sa TUM, TUMBA na naman ang puhunan. Purnada na naman. Kailangan ni Mariel ng ibang trabaho na pandagdag pangkabuhayan. Kaya ayaw pa ni Robin na magkaanak.

  2. dapat sa paparazzi tulad ng juicy na timeslot yung ang katapat nila color bars na lang mga 2am  baka sa kali mag rate na sila nun hehehe….

     ang tanong meron ba willing magbayad kay robin para sa pelikula hehe kaya nga libe kasi nagprinsinta na laos na kasi

  3. dapat sa paparazzi tulad ng juicy na timeslot yung ang katapat nila color bars na lang mga 2am  baka sa kali mag rate na sila nun hehehe

  4. Pingback: Filipino Action Star Robin Padilla Refused Talent Fee for Ping Lacson Movie

  5. paparazzi na show ni fake fermin sus sila lng din ang tumitira sa sarili nilng show para pag usapan ulol sinong niloloko mu baboy fermin na akala mo maganda kong manghusga at manglait ng mga artista………………………

  6. Talkshow ni Ruffa, Lucy at Mariel ? Wala na. Flop na ito, sigurado. Ang matrona, boring at plastikada. Tamaaaaaaaaa! Aha, aha ,aha. Thank you soooooooooo much. . . . girl. . . .

  7. Kailangan niya ng copyright dahil wala na siyang maipakikita ? Ang Tum, may copyright din, di ba ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.