Robin Padilla Cried When Daughter Kylie Padilla Decided To Be Independent

MULA SA PAGKABATA likas na kay Robin Padilla ang tumulong sa mahihirap, kaya idol ng masa ang tawag sa kanya. Kaya itinayo niya ang Liwanag ng Kapayapaan Foundation, ang main beneficiary ng partnership ni Binoe sa Natasha, may parte ng kanyang kikitain ay mapupunta sa nasabing foundation.

Perfume ang unang  ilalabas ng Natasha para kay Robin. Kaya tanong sa action superstar, papayag kaya naman siyang maging modelo ng underwear kung sakali?

“Ang katunayan po n’yan, ‘yung unang partnership namin ng Natasha, ‘yun pong underwear. Nu’ng una, parang magulo yata ‘yun, makikita akong naka-underwear? Pero ngayon, payag na akong magka-billboard na naka-brief para makapag-move on na rin ako,” natatawang sagot ni Robin.

Gusto na raw niyang mag-retire sa showbiz?

“Hindi po malayong mangyari ‘yun. Pero nakakatalon pa naman ako, kahapon nga naka-tumbling pa ako. Sa ngayon nagagamit ko pa ‘yung pag-aartista ko sa mga pangarap ko. Lalo ngayon na kailangang mag-ipon kami ni Mariel (Rodriguez). Nung bago dumating si Mariel, gusto ko na talagang magpahinga, pero gusto naming magkapamilya. Medyo isantabi muna ang pagri-retire at kasabay naman ‘yun ng lahat ng dinasal ko, sabay-sabay na ibinigay ng Panginoong Diyos lahat, kaya walang salamin, walang pintuan, walang bintana para mag-retire.”

Ano kaya ang magiging reaction ni Mariel sakaling lumabas na ang billboard niya na naka-underwear?

“Dalawa lang ‘yun. Hiwalayan ako or lalong tumamis ang mga gabi!”

SA PALAGAY NIYA, seryoso ang panliligaw ni Aljur Abrenica sa anak na si Kylie?

“Ang mga desisyon ng mga anak ko, nasa edad na. Kung sinuman ang makapagbibigay ng ngiti sa kanila at inspiras-yon, kanila na ‘yun. Hindi ako isang ama na pipigilan ang kaligayahan ng mga anak.

“Uulit-ulitin ko lang po, sinuman ang manligaw sa mga anak ko, hindi ko kailanman ipagpapalit ang pananampalataya ko para ma-impress ko ang anak ko. Bawal ‘yan sa Islam. Pasensiya na kung hindi ko maibibigay kay Aljur ‘yung blessing. Bawal po talaga ‘yun. Bawal po talaga ‘yung boyfriend-girlfriend. Kung gusto nila talaga at nagkakagustuhan sila at sa palagay nila sila nang dalawa, eh maging mag-asawa sila,” paliwanag ni Robin.

Nagpaalam ba si Kylie na gusto na nitong maging independent?

“Masakit nang nagpapaalam si Kylie. Magdamag kaming nalungkot ni Rommel (Padilla). Dinamayan niya ako dahil nasaktan ako nu’ng gabing ‘yun.”

Bakit hindi niya pinigilan ang anak?

“Ako’y  naniniwala sa kalayaan at siya naman ay 18 years old na. Maganda naman ‘yung paliwanag niya. ‘Yung mga anak ko naman mapagkakatiwalaan. Bilib ako sa anak ko, kinausap niya ako nang maayos. Dramatic nga lang ‘yung eksena, pinipilit kong hindi maiyak, pero pag-alis niya nalungkot talaga ako.”

Tanggap na talaga ng pamilya Padilla si Mariel?

“Si Mariel kasi, hindi nagpapanggap na ina. ‘Yun ang nakakatuwa, hindi siya nagbibigay ng opinyon niya sa nangyayari sa aming mag-aama. Laging ang opinyon ko ang ini-explain niya sa mga bata. Sa totoo lang, siya ‘yung aming tulay. Siya ‘yung referee sa amin. Hindi siya kailanman magpapanggap na nanay, lagi lang siyang kaibigan,” pagtatapos ni Robin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Robin Padilla Cried When Daughter Kylie Padilla Decided To Be Independent

  1. feeling ko mabuti nman ang pgpapalaki ni robin sa mga anak nia,wala ata akong narinig na my mga problema tong mga batang to kahit na medyo magulo ung pamilya nila,mga independent, na karamihan sa mga anak ng mga artista lahat nakaasa sa magualng,at walang independent sa pinas between parents and their children,masakit talga un,tatay ko nga nung ng asawa ung kapatid kong babae todo iyak,ako pa nga ang nakurnihan,ito pa kaya na humingi ng kalayaan kahit hindi pa ng aasawa,feeling ng tatay hindi na sya kailangan,

  2. Takot kasi si Robin, kasi kagagawan kasi nya noon ang pagkapalekero, kaya yon tuloy takot na magkaboyfriend ang mga anak baka gawin sa anak ang mga ginagawa niya noon sa mga babae, maski buntis na noon yong ex-wife nya na si Liezl, nakipag relasyon pa ni Sharon Cuneta, buti na lang si Sharon may moralidad, linayasan sya ni Sharon ng malaman nito na may buntis na palang asawa itong si idol.

Leave a Reply

Your email address will not be published.