Robin Padilla, binoykot ng mga taga-Siyete!

TALIWAS SA NAUNA nilang plano na para silang pinagbigkis na walis-tingting, nagkanya-kanya na rin ng mga manager ang mga alaga ng namayapang si Douglas Quijano.

Si Gelli de Belen, nasa Backroom, Inc. ni Boy Abunda kung saan alaga rin nito ang asawang si Ariel Rivera. Napunta naman kay Wyngard Tracy si Wendell Ramos, habang hawak naman ni Malou Choa-Fagar si Anjo Yllana na isa ring miyembro ng Eat Bulaga Dabarkads. For sure, marami pa sa mga naiwang talents ni Kuya Dougs have found a comforting shelter beneath other managerial wings.

Ironically, walang nagpa-manage kay Lolit Solis na best friend ni Kuya Dougs. Even before naman kasi, Kuya Dougs passed away, may balak na sila ni ‘Nay Lolit to embark on a semi-retirement phase given their long years in the business.

SELF-IMPOSED ANG AUSTRALIAN vacation ni Robin Padilla na isang buwan lang. Miss na rin daw niya kasi ang kanyang mag-iina sa Land Down Under, bukod sa pagre-recharge sa sobrang pagod na inabot sa kanyang natapos nang teleserye-turned-fantaserye (!) sa GMA-7.

Nagtapos ‘yon na naiba na ang kuwentong hindi na hango sa orihinal na obra ni Direk Carlo J. Caparas. Mistula ngang Gladiator ang karakter ni Robin na boksingero noong una.

At habang nangyayari nga ang nakakalokang paglihis sa istorya, pikit-mata na lang itong hinayaan ng creative team, na sa kabuuan daw ay diyes porsiyento lang sa kanilang ideya ang nasunod, the rest was Robin’s.

Feeling yata ng action star, ‘yung pagtatapos ng kanyang teleserye showing himself with gladiator powers ay paanyaya sa GMA-7 na gawan ‘yon ng sequel. Pero sa inasal ni Robin sa mga writer at iba pa niyang staff na nagbantang ayaw na siyang makatrabahong muli, what sequel is there to look forward to?

Angkop tuloy ang palayaw ni Robin…Binoe.  Dugtungan mo ng “kot”…BINOEKOT!

‘KAALIW NAMAN ANG pinagsama-samang creative juices ng staff ng All Star K! Temang showbiz look-alikes ang lineup ng mga guests nito last Sunday, consistent maging sa hired killers na sina Dulce at Minverva “Eva” Castillo.

Si Eva po ang kumakabog dati kay Regine Velasquez during their amateur singing contest days in their native Bulacan.  Hindi lang siya kahawig ni Dulce, she’s also the latter’s sound-alike.

Tense nga raw si Eva dahil sa leveling, imagine, at par nga naman niya ang institusyong biritera? How genuinely nice of Dulce na alalayan niya ang kanyang younger spitting image.

By the way, nasa guest line-up din ‘yung nag-i-spoof kay Manny Pacman, produkto ng Starstruck, na ano nga ba ang pangalan? Ito ba ‘yung nang-harass ng kinse anyos niyang nobya dati sa Binan, Laguna?

by Ronnie Carasco

loading...

2 thoughts on “Robin Padilla, binoykot ng mga taga-Siyete!

  1. sino ba namang matinong isip ang mag papahandle kay lolita solis eh walang kredibilidad nga yan eh, ang daming kaso nyan ano , at higit sa lahat eh mukhang pera yan noh, hmmmp

Leave a Reply

Your email address will not be published.