Robin Padilla, ayaw nang bumalik sa kanyang sitcom?!

WALA PA ring kalinawan kung babalik pa ba itong si Robin Padilla sa sitcom na Toda Max ng ABS-CBN 2. Kung hindi kami nagkakamali ay almost 2 months na ngang hindi nagte-taping ang mister ni Mariel Rodriguez.

Ayon sa EP ng said sitcom, hindi pa raw nag-uusap ang productions tungkol dito. Babalik ba o hindi na?

Matatandaang nagpaalam si Binoe sa staff nang magkaroon siya ng teleserye with Kris Aquino and Anne Curtis.

Pero babalik din oras na matapos ito. Pero hindi na nga nangyari.

Ang tsika pang nalaman namin ay  gusto raw ni Robin na magkaroon ng sariling sitcom at si Mariel ang kanyang kasama.

Paano mangyayari ‘yun kung nasa TV5 pa si Mariel?

Ano ba talaga, Mama Bear?

 

NAGBABALIK-SHOWBIZ SI Kristel Romero na dating leading lady ng mga action stars mga early 90’s at late 80’s.

Almost  20 years din siyang nagbakasyon sa showbiz at ito na nga, balik na naman siya.

Ayon nga sa kanya ay mahirap bumalik pero sabi nga ‘pag may tiyaga, may nilaga. At wala naman siyang masamang naging record noong kanyang kasagsagan.

Sabi niya sa amin, kahit anong role ay tatanggapin niya, nanay, tita, kahit kasambahay na role ay okey lang. “Para sa pamilya ko, kaya ako bumabalik. Para sa anak ko. Para makatapos ng kanilang pag-aaral.”

Sa mga hindi nakakaalam, may tatlong anak na babae si Kristel.

Sa mga gustong kunin si Kristel, mangyaring tawagan lang po kami.

 

NAKASALAMUHA NG movie press itong re-electionist na si Koko Pimentel last Monday sa Penthouse ng Imperial Palace. Ibig sabihin ay kabilang na siya sa mga senatorial babies ni Mother Lily Monteverde.

Bulung-bulungan na 13 na raw ang babies ni Madera ngayon. Kaya paano na ngayon? Sino ang kanyang ilalaglag sa botohan sa May 13?

Siguro ito ngayon ang magbibigay-stress kay Mother kapag nagkataon. Hahahahahaha!

Siya na ang sumuporta, siya pa ang gumawa ng problema. Ganyan kabait si Mother sa mga taong gusto niyang tulungan.

Sa patawag na ‘yon ni Mother sa press ay naibulalas ni Koko na tapos na at wala na siyang galit sa kapwa tumatakbong senador na si Migz Zubiri.

Dumating din n’ung araw na ‘yon ang mother ni Koko na dati palang singer noong araw.

Ang malaking tanong? Sino ang malalaglag sa babies ni Mother?

Ang hula ko, babaeng senador ang kanyang ilalaglag. Hula lang po…

At sana hindi si Koko!

 

BLIND ITEM: Sino itong sikat na young actor na noong bata siya ay madalas pagbuhatan ng kamay ng kanyang ina dahil nga hindi siya favorite ni Mader. At diumano’y hindi mahal ng kanyang mader. Pero ngayon sumikat na ay nagbago ng pagtingin si mader. Si young actor na ang paborito.

Sino siya? Well, well, well… hay, ang pera nga naman…

 by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

16 thoughts on “Robin Padilla, ayaw nang bumalik sa kanyang sitcom?!

  1. reality check pls. with who? mariel who? da who e puro laos na poporma pa….let willie produce your shows na lang bff mo naman yon…leave abs-cbn alone! akala mo bankable pa sa yabang!

  2. dapat cguro magkarun ng reality check c robin kasi akala nya sikat to the max pa sya,wt all respect dati naman oo,pero iba na ngayon ang takbo ng isip ng mga tao no,bat kelangan magmatigas sa istasyon juice ko employee ka lng no hindi ikaw masusunod,parang d ka naman kawalan sa ABSCBN kaya wag maangas,c robin,willie,sharon parepareho ugali akala in demand pa rin cla,BEEN THERE DONE THAT na kayo kaya pasalamat na lng

  3. Ay naku patalsikin na yang si robin sa abs! Dun na lang sya sa tv5 kasama ng malandi at makati nyang asawa! Sa totoo lang kas maganda pa nga ang todamax ngayong wala na sya no! Wala na yung pagkaka oa nya dun at di naman sya nakakatulong sa abs no! Daming turn off sa. Kanya masyadongnepal mapulitika o showbiz! As if his opinion still matters pa! Eh LAOS na sya nu!!!!

  4. 2013 na binoe laos kana pati asawa mo dun kayo sa tv5 madami timeslot dun kayo magproduce ng sarili nyo show

    • Hahahahahaha  kung mag produce si Binoe ng sariling show nya dun sa tv5,  baka TUM-UMBA SA TAKILYA na naman ang show na yan according to BFF Coco Shannel, hahahahahaha.  :-)

  5. WELL, DI NAWALA SI ROBIN SA TODA MAX DAHIL SA CONFLICT SA TELESERYE NILA NI KRIS (NA PARANG DUMAAN LANG NA WALANG NAKAPANSIN). NAGDIVA-DIVAHAN ANG LOLO NYO NANG IBAHIN NG NETWORK ANG TIME SLOT NG TELESERYE. SO, NAG-INARTE ANG LOLO NA DI NA RAW SYA MAGTE-TAPING KAPAG DI IBINALIK SA DATING TIME SLOT ANG TELESERYE. EH KASO, INIS TLG ANG STAFF NG TODA MAX SA KANYA KAYA DI NILA SINUNOD ITO. YON ANG NABASA KO HA. MERON NAMAN TLGANG RECORD ITONG SI BINOE NA NAGDUDUNUNG-DUNUGAN. REMEMBER NUNG UMANGAL ANG MGA WRITERS NG SHOW NYA NOON SA GMA 7 DAHIL PINAKIKIALAMAN ANG SCRIPT AT PINABABAGO ON THE SPOT? AYUN, RELIEVED ANG STAFF NG SHOW NANG MATAPOS ITO AT EVENTUALLY EH UMALIS SYA SA GMA. NGAYON NAMAN, SA ABS NAGKAKALAT. NAKOH BINOE, UMAYOS KA!

    • Korek ka diyan. Hindi nag give in ang dos sa demand niyang ibalik sa dating time slot ang Kailangan Ko teleserye kaya hindi na bumalik si Binoe sa Todo Max. Walang kawalan at kung umaasa siya ng isang teleserye na sila ni Mariel ang bida, para na ring kumuha ng bato na ipinukpok sa ulo ang dos. Sigurado flop na ito, tulad ng mga variety shows na akala nila sila ang main hosts at tulad ng movie nila. Remember TUM.

Leave a Reply

Your email address will not be published.