Robin Padilla at Willie Revillame, magsasama sa isang pelikula

NAKAUSAP NAMIN si Robin Padilla sa event ng Cherry Mobile noong nakaraang Martes sa One Esplanade sa may Mall of Asia, at inamin nitong sobra siyang nag-enjoy sa taping nila ng Toda Max ni Vhong Navarro, Pokwang at Angel Locsin.

Hanga siya sa galing daw ni Angel na magpatawa at napaka-witty raw nito at minsan daw, ito na rin ang gumagawa ng sariling jokes. Sa ngayon daw, sitcom lang muna ang gagawin niya dahil sa dami nang kanyang pinagkakaabalahan.

Pero pagdating daw ng January, magsisimula na sila ni Willie Revillame ng pelikulang kanilang pagsasamahan. Tiyak na aabagangan ito ng mga tagahanga ni Willie at Robin dahil matagal na ring hindi napanood sa big screen ang dalawa. Aantayin namin ‘yan, mga ‘tol!

 

NAIMBITAHAN KAMI sa set ng Yesterday Today Tomorrow (YTT) last week, kung saan kinunan ang mga bigating eksena ng pelikula. Dito ay magkakasama ang halos lahat ng bida sa pelikula na sina Gabby Concepcion, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Carla Abellana, Jericho Rosales at Maricel Soriano. Kasama rin sa mga eksena si Tim Yap, kung saan may ginampanan siyang role bilang host sa isang eksena. Kinuna ang naturang big scene sa Republiq Bar sa Resorts World Manila.

Isa-isang nagpaunlak ng interview ang casts ng movie puwera lamang si Diamond Star Maricel Soriano. Pero kahit madaling-araw na, palagi namang ngiti ang isinusukli ni Maria sa ilang miyembro ng media na naroon. Palagi rin niyang kinukumusta kami kung okay lang ba kami o nakakain na ba lahat.

Isa sa mga maaga na nagpaunlak ng panayam ay si Jericho Rosales. Una muna naming kinumusta ang tungkol sa movie. Masayang sagot ni Echo, “Okay naman, mabilis kaming natapos, I think nag-start kami two months ago. Everything went smoothly. And enjoy naman yung shooting namin.”

Karamihan ba ng mga kasama niya rito ay first time niyang nakatrabaho? Tugon niya, “Karamihan, si Lovi,  si Solenn, mostly. Yung iba kasi hindi ko kasama sa eksena.”

May mga tsika naman noon na ang role ni Lovi Poe (sa movie) ay para dapat pala kay Heart Evangelista. Kung natuloy ito, tatanggapin pa ba niya ang pelikula? “Oo, naman. Okay naman sa akin, it’s more interesting, ‘di ba? Pero maybe some other time.”

So open na talaga siya to work again with Heart? “I think right timing lang naman ‘di ba? But right at the moment, ‘di pa tama siguro ‘yung timing, ‘di ba? Maybe someday, a good project maybe.”

Medyo tahimik ang lovelife ni Echo sa ngayon. Pero ilang beses na niyang sinabi na may special na tao siyang idini-date, isang non-showbiz girl. Una niya itong sinabi sa pictorial niya para sa movie at pangalawa naman ay sa presscon niya sa newest endorsement niyang razor. Kaya naman kinulit uli namin si Jericho kung sino nga ba si non-showbiz girl? Atubiling sagot nito sa amin, “Siya ay si… non-showbiz! Next time na lang, ‘pag Pasko na,” sabay halakahak at biro pa niya sa manunulat na nito, “’Pag Christmas na lang, tatawagan kita Arniel.”

Dagdag pa ni Jericho tungkol kay non-showbiz girl, “Galing siya sa mga pangarap.”

Inusisa na rin namin si Echo tungkol sa hiwalayang KC Concepcion at Piolo Pascual. Pareho kasi niyang kaibigan ang dalawa. Sagot nito, “I’m sad kasi kaibigan ko si PJ and KC. But more than that, I’m not the best person to ask about details. Nu’ng napanood ko, siyempre nalungkot ako, I’m praying for them, siguro in time everything will be okay.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “Robin Padilla at Willie Revillame, magsasama sa isang pelikula

  1. Naku!!! tiyak na di kikita ang pelikulang ito. Kung yung Tum ni robin at mariel nilangaw sa takilya e ano pa ang aasahan mo kay revillame!!!! langaw!! langaw!! langaw~!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.