Robin Padilla at Trust bunong-braso challenge, dinumog sa Las Piñas!

DUMAGSA ANG TINATAYANG may isanlibong residente ng CAA BF International sa ginanap na TRUST Bunong-

Braso Challenge sa Saging Covered Court sa Las Piñas noong Abril 30. Bukod sa maaksyong laban ng bunongbraso,

pinakaabangan din ang pagdalaw ng mga artistang sina Joross Gamboa at Jaja ng SexBomb. Pero tumodo ang kanilang saya sa pagdating ng kanilang idolong si Robin Padilla, ang endorser ng TRUST Quality Condoms.

Hindi magkamayaw sa saya ang mga residente nang maghost si Joross, nagsayaw ng sexy dance si Jaja ng SexBomb at nagbigay ng mensahe si Robin sa TRUST Bunong Braso event. Lalo pang nagsigawan sa tuwa ang mga fans nang sumampa si Binoe sa ibabaw ng bunong-braso table para sa kanyang mensahe. Matapos ang kanyang speech, inamin ni Robin na umakyat siya sa mesa para mas makita siya ng lahat.

Kasing-init naman ng pagtanggap ng mga residente sa mga bisitang artista ang init ng labanan ng mga sumali sa kumpetisyon ng bunongbraso. Dibdiban ang laban ng 32 kalalakihan para makamit ang titulong kampeon ng Las Piñas, pati na ang halagang P10,000.00. Sa huli, naging kampeon sina Elmer Ordinado sa lightweight division, at si Mark Luis “Big Boss” Ben sa heavyweight division. Second placers sina Saad “Kanto Boy” Bucay (lightweight division) at Jojo Mejia (heavyweight division). Sina Ordinado at Big Boss Ben, Kanto Boy Bucay at Mejia, kasama ang lahat ng top 2 winners sa bawat lugar ay maghaharapharap sa grand championship round na gaganapin sa Agosto 6 sa Metro Manila. Ang mananalong overall Grand Champions sa bawat dibisyon ay tatanghaling “National TRUST Bunong Braso Champions” at tatanggap ng premyong P100,000.00. Ang mga kinatawan ng TRUST Quality Condoms na pinangunahan ni Mr. Gene Lester Resurreccion, Division Head, kasama si Mr. Emmanuel Alfonso III, Product Manager, ay dumalo upang ipakita ang kanilang suporta sa mga Bunong Braso Challengers at upang igawad ang gantimpala, katuwang nina Robin Padilla at Sexbomb Jaja, sa mga nanalo. Ang naganap na laban sa Las Piñas ay ikalawa sa walong lugar na pagdarausan ng Nationwide TRUST Bunong Braso Challenge. Nagsimula sa Taguig City (April 16), sumunod ang Las Piñas City (April 30), sa mga susunod pang Sabado ay gaganapin ang TRUST Bunong Braso challenge sa Baguio City (Mayo 14), Valenzuela City (May 28), Batangas City (June 11), Cebu City (June 25), Davao City (July 2) at Quezon City (July 16). Inaasahang muling dadagsa ang mga matitipuno at matitikas na kalalakihang may edad 18 pataas sa Qualifying Round na sunod na gaganapin sa Baguio City sa ika-14 ng Mayo. Para sa karagdagang detalye at iba pang impormasyon kung paano sumali sa TRUST Bunong Braso Challenge, maaari kayong mag-text o tumawag sa mga numerong (0917)909-9090 para sa Globe at Touch Mobile subscribers; (0949)323-6788 para sa Smart at Talk n Text, at (0932)527-4228 para naman sa Sun Cellular Subscribers o sumulat sa email address na trust_bbc@yahoo.com.

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Robin Padilla at Trust bunong-braso challenge, dinumog sa Las Piñas!

  1. Idol Robin sayang hindi kami naka punta ng tropa ko noong April 30 pero sa July 23 pupunta kami at makikpag bunong braso sa Quezon City sana dun magkita tayo Idol……

  2. sayang po hindi kami naka punta noong April 30, 2011 bunong braso pa naman ang hilig na laro namin ng mga barkada ko at meron po kami pang laban talga sa bunong braso..

Leave a Reply

Your email address will not be published.