Robin Padilla at Mariel Rodriguez, TINOTOO ANG BIRUAN?!

SA DALAWANG LINGGONG pagiging TV host ni Robin Padilla sa Wowowee, may namuong romansa diumano sa kanila ni Mariel Rodriguez. Biro lang sa simula ang tuksuhan hanggang sa dumating sa point na nagkapalagayan na raw ng loob ang dalawa.

Naging vocal si Binoe sa saloobin niya kay Mariel, hindi nga lang diretso pero may laman tuwing nababanggit niya ang pangalan ng dalaga. Tuloy, naging totohanan na ang biro sa kanilang dalawa. Kahit offcam, makikita mong super sweet sina Robin at Mariel sa loob ng studio. Tuloy, madalas silang biruin ni Pokwang, “Bagay kayong dalawa, kayo na ba?” Natatawa na lang daw ang mga ito sa mga birong totoo sa kanila. Hindi raw puwedeng magsinungaling ang ikinikilos nila sa isa’t isa.

Inamin ni Mariel na matagal na niyang crush si Binoe kahit noong hindi pa siya artista. Umiyak pa nga siya nu’ng time na nagpaalam na sa kanila ang action star. Hinatak pa nga ni Robin ang kamay ni Mariel sabay yakap nang mahigpit. Ramdam ng manonood ang eksenang ‘yun kaya lalong namuo sa isipan naming may something sa relationship nila kasi, iba ‘yung nakikita’t nararamdaman mo, ‘di ba ?

Kahit wala na si Robin sa Wowowee, patuloy pa rin daw ang communication nila ni Mariel. Almost everyday nagtatawagan ang dalawa, walang oras na hindi sila magkausap kapag libre rin lang. May eksena pa nga raw, kapag nag-ring ang cellphone niMariel, taranta to the max na raw ang dalaga at baka si  Bad Boy ang nasa kabilang linya. Iba raw ngayon ang ganda ni Mariel, in love na naman kaya?

Sa paghihiwalay nina Mariel at Zanjoe Marudo parang walang sakit na naramdaman ang dalaga. Hindi mo kinakitaan ng kalungkutan, parang natuwa pa nga raw ang TV host sa pagkakahiwalay nila ng actor.

Sa takbo ng pangyayari, posibleng magkatuluyan sina Robin at Mariel. Ngayon pang single uli si Binoe, puwede muling magmahal at mahalin. Nakita siguro niya kay MR ang mga katangian ng isang babaeng kanyang mamahalin. Hindi naman itinatago ng dalagang may pitak sa puso niya si Bad Boy.

ASIDE SA PAGIGING musical producer, composer, arranger and dancer ni Gabriel Valenciano, may talent din siya pagdating sa comedy. Sa first meeting niya with Big Boss Ms. Cynthia Jordan and production staff ng Banana Split, nagpakawala ang binata ng mga antics at jokes na ikinatuwa ng mga ito, kaya agad siyang isinalang sa nasabing comedy sitcom.

Suprisingly, magaling si Gab sa episode kagabi ng Banana Split. Masasabi naming gifted sa pagiging comedian niya, hindi TH (trying hard) ang dating. Natural, parang hindi bagito compared sa ibang comedian. He’s now the newest member of BS.

Gab is also the main musical arranger for the dance segments ng ASAP Supahdance, Kim Chiu’s birthday celebration and Gary Valenciano’s 27th anniversary Michael Jackson medley. Bukod dito, he will also join Jericho Rosales in two shows as musical arranger this June.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleOprah at David Foster, kabilang sa mga ninong at ninang ni Charice!
Next articleSheryl Cruz, itinangging nang-agaw siya ng asawa!

No posts to display