Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ready nang magka-baby!

NATATAWA ANG isang kaibigang press na nakapa-nood ng preview ng gay play na Halik ng Tarantula the other night sa Teatrino.

Bida si Rustom Padilla aka BB Gandanghari. Pinagmamalaki ito ni Rustom after na maging alternate (ng isang beking operada na sa totoo lang ay mas pretty na di hamak kaysa sa kanya) sa isang gay play kamakailan na Sayaw ng mga Señoritas, kung saan mga bida sina Joel Lamangan, Soxy Topacio, Manny Castaneda at Arnell Ignacio.

Dahil sa sobrang kapayatan ni BB, tuloy tawag sa kanya, ‘anorexiang binabae’ na kahit interes daw ng isang kolboy ay bababa ang libido kahit bayaran man ng limang libo ang male prosti na makikipagniig sa kanya.

Laugh to death ang mga bekie dahil sa sobrang kapayatan daw ni BB, feeling niya ay super sexy siya (tipong runway model… hehehe!)

Sa totoo lang, sa tanda ni BB at sa mga pinagdaanan niya, hindi yata niya alam ang kanyang mga pinaggagagawa.

Kung anu-ano ang mga pinagsasasabi – epekto kaya ng droga na tini-take niya para lumambot ang male hormones niya para sa preparasyon sa sinasabing operasyon niya o sex change?

Sabi ng mga nakapanood – to the gutter daw ang play. Hindi kikita. Ang layo sa ginampanan ng stage actor na si RS Francisco noon sa UP na magaling nang ‘di hamak kaysa kay BB.

We just hope na matapos maayos ang stage play bago ito pakawalan sa publiko, sana tumino-tino ang kalalabasan nito.

Sa hirap ng buhay, mahal din ang magbayad ng P150-P200 para sa isang palabas na hindi naman worth at tripping lang ng bida.

 

MUKHANG READY na sina Robin Padilla at misis niyang si Mariel Rodriguez na magka-baby.

Sa kanyang Twiiter account, sa isang short message: “No Baby!!! False Alarm” at sabay post ng picture sa kanyang Instagram ang negative test result ng kanyang instant pregnancy test.

Sa tingin ko, dapat maghinay-hinay na muna si Mariel sa kanyang mga showbiz commitment at magpahinga para makabuo sila ng “baby” ng mister niya.

Kung last year sinasabi ni Mariel na mas gusto nila ni Robin na sila na lang muna (meaning, no babies) sa buhay nilang mag-asawa; siguro tamang panahon lang ngayon that they plan her pregnancy.

Sa early years ng pagiging mag-asawa nila, mas gusto nila na bumiyahe nang bumiyahe silang dalawa at i-explore ang mundo habang nag-e-enjoy kasama ang isa’t isa.

 

MAY SAKIT si Nora Aunor. Palagi, kaya nagkakaroon ng problema ang taping ng kanyang bagong teleserye sa Kapatid Network.

Maging ang mga co-star niya tulad nina Cesar Montano – lalo na si Alice Dixson, kinakabahan na anytime ay mawawala sa ere ang kauumpisa pa lang na teleserye dahil ilang beses na ngang hindi natutuloy ang taping. And from an insider’s info, mahirap na baguhin pa ang script na biglang kabig.

 

SA SABADO, for sure ang fans nina Wally Bayola at Jose Manalo ay dadagsa na naman sa Zirkoh para sa show nilang Pusong Bato Dabarkads sa Zirkoh kung saan special guest ay itong si Xian Lim.

Produced ang show ng mga entertainment reporters na sina Roldan Castro, Maricris Nicasio at Vinia Vivar.

On the side sa pagsusulat, mga show producers ang tatlo kasama si Karen Martinez.

Tickets available at the gate before the show.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ready nang magka-baby!

  1. mukha nangang bangkay ang baklang yan sa kapayatan, nakakadiri itsura nya oero kung mgpapataba lngza in fairness my hawig nacla ni carmina  kyalang mukha zang bangkay ngaun…

    • ang peg ni bb eh si carmina kaya nagiging magkamukha na sila pero mas maganda pa rin naman si mina samantalagang si rustom este vsi bb ay mukhang baklang may hepa hahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.