Robin Padilla at Mariel Rodriguez, plano nang magkaanak

YEAR 2010, MARAMING controversial na pangyayari sa buhay ni Robin Padilla. Hindi lang sa kanyang personal na buhay, kundi pati na rin sa kanyang showbiz career.

“Para sa akin, lahat ‘yun advantage. Lahat ‘yun kasi biyaya ng Panginoon. ‘Yung dumating, mabuti man o masama, bigay pa rin ‘yan ng Panginoon. Ako kasi, ang importante ‘yung hangarin. Kung mabuti ‘yung hangarin, kahit wala na sa image basta mabuti ‘yung hangarin, ginagawa ko ‘yun. Katulad ng Wowowee, maganda ang hangarin ko roon, hindi naman ako singer, hindi naman ako host, kahit inupakan ako du’n na walang katapusang upak… Ginawa ko ‘yun kasi ang intensiyon ko du’n, para mapasaya ang mga tao at ang naging regalo ko roon, na-kilala ko si Mariel Rodriguez.”

Bago ikinasal sina Robin at Mariel, wala silang itinago, naging honest sila sa isa’t isa. “Sa Wowowee pa lang, tinanong ko na siya kung may boyfriend na siya. Naging tapat ako sa kanya, sinabi ko kung sino ako, walang kasinungalingan, ganoon din naman siya.”

Pagbabago sa buhay ni Robin bilang may-asawa. “Malaki, ang tagal kong nabuhay mag-isa. Kung minsan may gulat pa, may katabi pala ako! Kung minsan nasisipa, nasisiko. Nu’ng isang araw na headbutt, sabi ko, grabe na ‘to. Siguro nasanay na akong walang katabi. Magmula noong 1999, baka-bakasyon (Australia with Liezel) lang naman ako roon. Kapag nandoon naman ako, ang katabi niya (Liezel) si Ali. Ngayon, matutulog ka, kasama mo, parang na-rewind ‘yung buhay ko, nag-asawa talaga ako. Sa India nakakatuwa roon, kasi rito hindi namin manamnam ‘yun nu’ng una kasi nagtatrabaho siya. Maaga pa lang aalis na ‘yan, hindi na nga natutulog ‘yan dati.”

Mga bagay-bagay na nagagawa nina Robin at Mariel bilang mag-asawa sa India. “Sa katotohanan, ako hindi nag-a-adjust. Kawawa ito (Mariel), una, moody akong tao, depende sa gising. Kung minsan, may gising na… kilala ko na siya. Babes, kapag tumawag na Babes ‘yan nakita niya ang mata kong matalim… ano lang ‘yun, moody lang talaga ako. Kawawa siya, sa totoo lang, hindi naman masamang kawawa ‘yun. Nabaptismo ka nang buhay may-asawa talaga.

“Maghahanda ‘yan, isang linggo ‘yun na grande na almusal lagi. Tinitiis ko noong una, itlog, sausage, sabihin mo na ang lahat na puwede niyang ihanda. Ikawalong araw, nagsabi na ako, alam mo, hindi talaga ako nag-aalmusal. Ako, oatmeal lang masaya na ako, ah ganu’n ba, sabi niya. Akala ko, okay na, ‘pag gising ko, oatmeal nga pero katakut-takot na may saging, may gata, etc. Sabi ko, oatmeal lang talaga, simple lang talaga ‘yung ganu’ng klase. Basta kung maghanda siya laging may handaan. Ngayon nu’ng ikalawang linggo natuklasan ko, hinahanda pala niya ‘yun sa sarili niya. Malakas pala siyang kumain, biro lang! Ha! Ha! Ha! Mas malakas pala siyang kumain kaysa sa akin, biro lang, nagpapatawa lang ako!

Sa pagsasama nina Robin at Mariel sa India, unti-unti nilang nakikilala ang bawa’t isa. Natuklasan ni Binoe na hindi pala marunong magluto ang asawa. “Hindi, pinipilit niya, nagluto ‘yan puro paso ‘yan sa pagpi-prito. Sabi ko, huwag mo nang pilitin, baka madisgrasya ka pa. Dahan-dahan ‘yan, mag-aral ka muna ng pormal na pagluluto, kasi nakakaawa pulos talsik ng mantika.”

Tapos sa India, ba-wal ang masahe, ‘yung magmamasahe… Ang nangyari ngayon, siyempre hindi na naman ako kabataan, magmula ng ala-singko ng umaga matatapos ako alas-dose ng gabi. Kaya roon, cook ko siya, masahista, taga-init ng tubig, talagang pinilit din niyang pagsilbihan ako.”

Ikinuwento rin ni Robin ang pelikulang ginawa nila ni Mariel sa India na may pamagat na Indian title na Tum (in Tagalog, ‘Ikaw’) na pang-Valentine na ire-release sana ng Star Cinema. “Hindi ko masasabi na Star Cinema, kasi hindi ako aabot sa ibinibigay ng Star Cinema na deadline. Kasi ang playdate na ibinibigay ng Star Cinema ay January. Sa Dolby pa lang ng pelikula namin, ang sound engineer humihingi ng 2 weeks para roon sa Dolby. Hindi mangyayaring Star Cinema kung ipipilit nila ‘yung January, kasi hindi papayag ‘yung partner kong mga Indian na hindi kami Dolby. May Valentine ang Star Cinema, may Star Cinema o wala, pang-Valentine namin ni Mariel ang pelikulang Maging Ikaw Lamang, ‘yun ang gusto kong title. Kaya lamang, hindi kami puwedeng magdesisyon, kasi mayroon tayong Indian partners. Lahat ng gusto nila dapat sundin natin, kasi nakakahiya naman. Hindi naman kami puwedeng maging under the mercy ng kahit sinong higanteng production. In a way na handa akong ilabas siya, open ako sa lahat.”

May plano na ba silang magka-baby ni Mariel? Siyempre naman, hindi na tayo bumabata. Kung ako ang tatanungin, gusto ko, lalaki agad ang maging unang anak namin ni Mariel. Lalaki man siya o babae, kung ano ang ipagkaloob ng Panginoon, buong-pusong tatanggapin namin.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

27 thoughts on “Robin Padilla at Mariel Rodriguez, plano nang magkaanak

  1. MARIEL please do not treat yourself like maid cause Robin is your husband and he is your master or king . my advised to go back to work or go back your hosting . and do not give up cause of waging tongue of people . they are people have nothing to do. let your life shine and this people hate they are low life people and pray for them they cause they their own self. if Robin really loves you he need to give you some respect as wife . he should consider that you are young and never been married . he is the one know better cause he been married to many women. love is wonderful and is give and take not just take and take. I LOVE you MARIEL AND Robin from; your fan here in Columbia S.C. U.S.A.

  2. Mariel and Robin deserve to be happy. Let’s just respect their decisions in life. To all bitter and haters of Mariel and Robin, YOU can never put them down because they have their own fans.

  3. ow ang backstabber buhay pa pala? ano pa kaya ang babalikan niya sa showbiz pagbalik niya? mariel simula PBB days pa nung nag guest housemate (yan ba ang tamang term???) ka ganyan na ugali mo. sinabihan mo nga ng P_T__G I_A si Riza dahil lang sa nagseselos yung friend mong isa ring P_T_ eh hindi naman sila magkarelasyon ni Will buti na lang mabait ang family nina Riza at hindi ka dinimanda kung ako yung idedemanda kita para matuto ka…

    • why are you so mad at Mariel? spokes person ka ba ni Riza? yung si Riza nga ok na sa kanya yung issue nila ni Mariel, ikaw nagpuputok pa rin ang butse mo??? Delayed reaction!!!!

  4. We miss you Mariel. I like to see your face grace the tv screen again. You are a natural as a TV host and you are also a talented actress. I know that being deeply in love can be a blockage in your career. You might get pregnant any time. However, please consider staying in showbiz cause we enjoy watching you. May this coming year be filled with
    peace and laughter for you and Robin. May your marriage stay strong and last forever and ever. Don’t let the malicious tongues bother you. We are all behind you ,rooting for your success in any endeavor you’ll try. We love you Mariel.

    • Si Mariel natural na host?? Ngek! OA ang dating. Ang laki ng bunganga. hahah. Talented actress? Hay, ano bang nagawa ni Mariel na maganda na acting? Puro lang naman pamimintas ang naso-showcase niya. hehe.

  5. When Robin commented “Gusto ko munang namnamin ang kasariwaan ni Mariel “, I was appalled. Walang respeto sa babae ang nagmumurang kamatis.

    • Sana mag ingat si Robin sa pananalita kasi kong makakilos sya sa mga babae, parang very gentleman ang dating at maalaga. And for him to say that about Mariel is parang plastik lang pala at pakitangtao lang pala ang kilos nyang gentleman act sa mga kababaihan, parang ang labas tuloy, at the end, doon lang pala sa sex at pagnanasa sa kababaehan ang gusto nyang maabot. Sana hindi ganito ang hidden agenda nya sa mga babae. Kasal na ba talaga sila? Kasi hindi pa yata sila na news na nagpakasal dito sa Pinas at other places, may report daw na wala talagang nagawang kasalan sa India kasi hindi daw allowed magpakasal sa Taj Mahal (mali ba itong spelling ko? Pasensiya na! Thanks)

    • At maski na sasabihin natin na normal lang yong pagkasabi nya as a husband about Mariel’s nice body now (kasi totoo naman na after childbirth, maiba talaga ang katawan ng babae unless pagsikapan na manatiling the same like before nanganak) pero sometimes, mag ingat sa pananalita kasi maraming interpretasyon sa kalabasan ng mga salita, maski pa he did not mean it, pero ang kalabasan para pa reng INSENSITIVE. Bakit ? kung after childbirth ba wala na siyang ganang namnamin ang kasariwaan ni Mariel? As far as I am concerned, if you really love a person, maski pa anong mangyayari, you will feel the same to that person. Well, thank you to my husband, even after 2 children sa 25 years of marriage namin, even with my hanging bilbil and wrinkles here and there, you always gave me the respect that i deserve and you never changed.

  6. may movie pala sia,,so wat,,,wala namang star apil si mariel,,lalo pa naman now,,na sira at nega na ang image nya lalo,,,baka nga flop ang movie nayan,,pinilit nila,,wahahahahahh,,,,dyusko,,mariel,,,robin,,wat happen sa inyo,,,wahahahh

  7. KAWAWANG MARIEL,,sana maging maayos ang pagsasama nila,if not,,wala din,,,masisira na sya ng tuluyan,,,kay robin,,,sa dami ng anak ni robin,,dyusko!!!!di naman nag isip si mariiel,.,wala kase silang takot sa dyos,,sige ng sige,,,hayyyy,…..lets see san sila dadalhin ng kahibangan nila na ito,,,,sa hiwalayan din ito,,mabilis ee,…..sana maging amam si robin sa mga anak na,,buti nalang mabuting ina si liezl,,,paano yung ibang anak ni robin sa ibang babae,.,,,hayyz,,ang gulo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!robin si lito sa life nya,,,,,ganun din si mariell,,,pero i guess,its only god ang mag papatino at magpapaayos ng life nila,,,,tsk,,

  8. ang BABAENG EASY TO GET,,,SAN MO MAN TINGNAN MABILIS ANG LAHAT,,AT KUNG MAGSALITA SI ROBIN SA INTERVIEW WALA SYANG RESPETO KAY MARIEL KASE ANG BABAENG MABILIS NAKUHA MABILIS DIN MAWAWALA,..WISH KO LANG TILL THE END NA YAN,,KUNG AKO ANG BABAE,,MAG IIISIP AKO,,NA MADMAING ASAWA ITONG SI ROBIN NOON AT MADMAING ANAK,,BAKA MANGYARI DIN KAY MARIEL ANG NANGYARI SA IBANG GIRLS,,NAGPAKASIRA SI MARILE KAY ROBIN!SAYANG SYA!!!!I GUESS,,,FLOP ANG MOVIE NILA,,DAHIL SA NEGATA SIRA ANG IMAGE NG DALAWA….EHEHEH…..BUBUNTISAN NA SYA AFTER THAT,,HIWALAYAN NA!!!!!WAHAHHAH

    • Iyan din ang tinginvkovsa mga interview ni Robin parang walang respeto kay Mariel. At yong easy to get na pagkababae rin na sinasabi month, agree din ako sa yo.

  9. kung di KAYA mag ENGLISH mag tagalog ka nalang teh..na “choked” na man ako sa english mo!!!”HE DONT NEED HAVE ON YOU????” nalurkey ako dyan,ano ibig sabihin mo dyan explain??..peace yoww”MAHALIN NALANG ANG SARILING ATIN” ang PINOY nga naman!!

    nag-paka WIFE lang c MARIEL and kung basahin mo at intindihin MABUTI ang sinasabi ni ROBIN lahat yun compliments para kay MARIEL,cguro lahat yang ginagawa ni MARIEL eh gawain ng isang submissive WIFE na MAHAL NA MAHAL ang kanyang ASAWA!!!!!!!

  10. mariel must love to be servant to his king.[ its just joke ] dont make it wrong i love mariel . Ijust feel that she need to go back in caree while she is stiil young. and you can have a lettel space robin and you.love is so good but sometimes it will choked you. and the love will die. and like the two of you and do not want to happen you are like my child ; i am sad and angry so much when people talk bad about you . i will be praying for you that robin will always be good to you not having his temper on you and treat you nice . he dont need have on you . its time leave him and I hate to say that.bye for now till next time.thank you

  11. Mariel ano ang nang yayari sa u. At first boto ako kay Robin, but you’re not a wife to him now. he’s treating you not a servant but a slave. you’re still young. get out from hell. leave before the damage is done. please!

    • ano gusto mo MAG-ALA-SHARON-CUNETA -SA -MADARASTA-DIALOGUE XA na “uu nga IAM NOT YOUR WIFE IAM JUST YOUR MAID?”ganun?????ang OA TEH!!wahahahahaha..kung kilala mo talaga c MARIEL and FAN ka talaga alam mong ganyan xa mag TREAT ng MAHAL nia,gaya nalang kay Z nun dba??xa nga taga plantsa ng damit ni Z before,@alam ng lahat kung paano rin tratuhin ni MARIEL C Z nun na parang ika nga sayo “SERVANT”!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.