Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Patuloy ang Charity Work!

MEMORABLE SA akin ang year 2011, suma-kabilang-buhay ang pinakamamahal kong Ina (December 24) isang araw bago sumapit ang Pasko. Oo nga’t alam naming hindi na magtatagal ang buhay niya rito sa mundo, pero umaasa pa rin kami at nanalangin sa Maykapal na makapiling siya sa araw ng Pasko at Bagong Taon. Masakit pero kailangang tanggapin ang bawat pagsubok ng buhay. Kirot sa ‘yong puso na mahirap ipaliwanag na ramdam mo ang sakit sa bawa’t bahagi ng ‘yong katawan.

Gusto ko mang umiyak nang mga sandaling ‘yun nang mawalan ng buhay si Inay sa piling namin, hindi ko magawa. Pilit kong pinaglalabanan ang aking nararamdaman. Madaling sabihin na tanggap na natin ang pagpanaw ng mahal natin sa buhay pero sa mga oras na ‘yun, hindi madaling tanggapin. Itatanong mo sa ‘yong sarili, totoo ba ito o isang masamang panaginip ? Kay Inay umiikot ang mundo ko. Siya ang buhay ko. Inihanda ko na ang aking sarili na pagsilbihan siya habang buhay at sa tulong ng Panginoon, nagampanan ko ito hanggang sa huling hininga niya.

Paskong nagdaan, nagluluksa ang aming mga puso sa burol ni Inay sa Rizal Funeral Homes, habang ang buong mundo, nagsasaya sa araw ng Pasko. Kaila-ngang maging matatag at tanggapin ang kagustuhan ng Panginoon. Four days lang, inihatid na namin si Inay sa kanyang libingan sa Golden Haven, Las Piñas. Bago tuluyang ilibing si Inay, nagbigay ako ng mensahe bilang pasasalamat sa mga nakiisa sa amin. Hindi ko nakayanan ang kirot at alaala naming mag-ina, ako’y naiyak…

Sa mga sandali nang ‘yong pagdadalamhati nand’yan ang iyong mga kamag-anak at mga kaibigan. Salamat sa suportang ibinigay nina Mayor Sandy Javier (Javier, Leyte) and his wife Karen, Mendoza family, Del Rosario family, Puno family, Velasco family, Mayette Yulo family, Cynthia Cole at Kuya Boy Abunda. Personal namang nakiramay sa amin sina Fernan Sucalit, Sheila Queta (Star Studio, ABS-CBN Publishing), Madam Lyn & Direk, Oskar Peralta, Frannie Zamora, Mario Hernando, Ricky Calderon, Dani Flores, Ronnie Carrasco, Boy Villasanta, Art T. Tapalla, at George Vail Kabristante.  Thanks to GMA-7, Pinoy Parazzi and Sen. Lito Lapid for the beautiful flowers na ipinadala nila sa wake ni Inay.

Hindi naman nakarating sa burial sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil nasa Cagayan de Oro na namahagi ng tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo. Bukod dito, before Christmas, namigay rin sila ng Pamasko sa mga kapus-palad na mga bata sa Fairview. Ipinaabot ng mag-asawa ang kanilang  pakikiramay ganoon din si Gabby Concepcion na tumawag pa from US.

Through text, pakikiramay din ang mensahe nina Iza Calzado, Lani Mercado, Mico del Rosario, Cristy Fermin, Sheila Vidanes, Alex, Music 21, Noel Orsal, Aaron Domingo (ABS-CBN), Cathy Solis (ABS-CBN), Roda Quizan at Jomari. Sa inyong lahat, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa suporta at pakikiramay sa aming yumaong Ina. Salamat po.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Patuloy ang Charity Work!

  1. my god ano kaya ang tingin mo sa iyo demonyo walang ginagawa masama si mariel why nainggit ka ano kasi namimigay sa poor pantayan mo.yung mga nanira kay mariel when she ist married robin ano ang nangyari na karma gusto mo ikaw ang susunod.

  2. on feb 23, 2012 metro manila  center makati city will shake up rock by magnitude 9.4 earthquake this is a warning in last year someone predicted a super typoon falls in philippine and its come true in ilagan in cdo see nostra u know it

Leave a Reply

Your email address will not be published.