Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ini-enjoy pa rin ang honeymoon period

NOONG SABADO, NAKAUSAP namin si Robin Padilla sa isang event sa Ever Commonwealth at dito ay inusisa namin siya kung totoo nga bang ni-reject ang hiling nila sa Vatican na mapayagang makasal sa simbahan.

Aniya, “Hindi naman ni-reject, may mga hinahanap lang silang mga papeles na kailangan naming mai-provide. May mga batas at panuntunan silang kailangang sundin kaya susunod tayo. Inaayos pa namin ang mga papeles.” Kailangan pa rin daw nilang maghintay ng tamang panahon at hindi naman sila napapagod ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez na maghintay sa pinapangarap ng babaeng church wedding.

Sa tanong namin kung may balak na nga ba silang magkaanak, mabilis na tinuran ni Binoe na, “Wala pa muna. Ini-enjoy pa namin ang aming honeymoon period. Tsaka isa kami sa mga sumusuporta sa RH Bill, kaya kami dapat ang unang-unang magpapakita ng example.”

Darating din naman daw ang tamang pagkakataon na handa na sila parehong magkaroon ng baby.

 

NOONG LINGGO NAMAN, naganap na sa Broadway Studio ng TV5 ang bonggang Grand fans day ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Masayang-Masaya ang lahat ng mga napagbigyan ng pagkakataong makahalubilo, mayakap at makisayaw kay Nora. Game na game si Ate Guy sa mga palaro, at minsan may mga tanong pa siya tungkol sa kanyang karera na nasasagot naman agad ng kanyang mga tagahanga.

Pagkatapos ng mga palaro at kuwentuhan with Guy, nagsimula na ang napaka-organisadong photo-opp. nakalinya ang mga masuwerteng 100 nabunot para makapagpalitrato o makayakap at makapagpa-autograph sa kanya. Dito na kami kinilabutan dahil habang saliw ang musika na mga pinasikat ni Miss Nora, isa-isang nagsilapitan sa kanya ang kanyang mga tagahanga mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at ang iba pa nga ay nagmula pa sa ibang bansa. Mahigpit na yakap, hikbi, mga tanungan at kumustahan, lahat halos ay luhaan nang malapitan nilang nakadaupang-palad ang kanilang idolo.

Ang kasamahan namin sa trabahong si Rose, na ngayon lang nakita nang personal ang Superstar ay umiyak. Kami rin ay sumaludo talaga sa angking karisma ng nag-iisang Nora Aunor.

 

NAKATSIKAHAN NAMIN NOONG Lunes si Dulce sa kanyang presscon para sa nalalapit niyang concert na pinamagatang ‘La Dulce Diva’ na gaganapin sa Music Museum on Aug. 27. 2011. Wala pa ring kupas si Dulce sa pagbahagi ng nakaka-engganyo niyang pagkanta. Kahit na isa siya sa mga naunang Diva ng bansa, walang kaarte-arte si Miss Dulce at wala ring kaere-ere.

Tuwang-tuwa naman ang kanyang producer na sina Jo Arboleda at ang project head na si Rose Santiago na maganda ang reception ng mga tao sa nalalapit na concert nang La Diva. Isa kasi itong kakaibang concert dahil orchestra ang tutugtog sa pagkumpas ni Mel Villena.

Ayon pa sa singer, “Hindi na ako basta-basta gumagawa ng concert ngayon, dapat ‘yung may konsepto at dapat talagang masisiyahan ang mga manonood para nakangiti ang kanilang mga labi sa kanilang pag-uwi. Ayan, bongga!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ini-enjoy pa rin ang honeymoon period

  1. tama ka robin try all options available para walang masabi. u r great mariel is right to say na very happy siya she is one lucky girl kasi si zanjoe walang say.

Leave a Reply

Your email address will not be published.