Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ‘di na maitago ang relasyon

AMINADO SI JIRO Manio na malaki ang nagawa niyang kasalanan sa Dos.

“Sana po ay mapatawad nila ako at mabigyan pa nila ako ng isang chance,” pahayag ni Jiro na nagsabi rin sa amin na napaka-unfair ng mga balitang naglalabasan. “Hindi naman ako nag-callboy para ipambili ng gatas ng aking anak. May naipon naman ako kahit paano.”

Nasasaktan daw si Jiro sa tuwing sinasabing galing sa bakla ang gatas na dinedede ng kanyang two years old na anak. “Sana naman kung mang-iintriga sila, huwag na nilang idamay pa ang aking anak,” sabi ng batang aktor

Sinabi rin ni Jiro sa Pinoy Parazzi na kailan man, hindi siya naging adik sa droga, gaya nga ng pinalalabas sa ibang balita.

“Sa pagkakaalam ko, ang kasalanan ko lang ay maaga akong na-in love, pero hindi ako nag-drugs,” paglilinaw pa ng magaling na young actor.

HINDI NA MAITATAGO nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang kanilang relasyon dahil sa maraming okasyon ay nakikitang sweet ang dalawa, bagay na hindi naman tinututulan ng anak ng aktor na si Queenie Padilla.

Ayon kay Queenie, mabait at maganda naman daw si Mariel at hindi raw siya tutol kung sakaling mauwi sa kasalan ang lahat.

“Maganda at mabait naman po si Tita Mariel at wala akong nakikitang masama sa ginagawa nila,” sey ng dalaga ni Binoe.

Samantala, base sa nakalap naming balita, hindi naman daw tutol si Liezel Sicangco kung totoong may relasyon na sina Mariel at Robin. Sa katunayan, nagagandahan din daw ang ina ni Queenie sa dating girlfriend ni Zanjoe Marudo.

ALSA-BALUTAN NA SI Willie Revillame. Hinakot nang lahat ng aktor ang kanyang gamit sa dating special room niya sa Dos. Ayon sa nakalap naming balita, masama raw hanggang ngayon ang loob ng aktor sa Channel 2, dahil pinagmistula siyang “tanga” ng mga ito.

Isa pa rin daw sa pinagsisihan ni Willie ay bakit nakipagkasundo itong after three months ay babalik siya sa Wowowee gayong wala na palang babalikang programa ang komedyante. Dahil sa huling impormasyon na aming nakakalap, ang time slot na mababakante ng Wowowee ay paghahatian nina Robin Padilla at Kris Aquino and Ted Failon.

Aminin man o hindi ni Willie, bigla siyang nalaos matapos na mawala siya ng kung ilang buwan sa Wowowee at sirkulasyon ng showbiz world. Totoong milyonaryo na si Willie at hindi na siya basta maghihirap, pero dapat din niyang tanggapin na hindi na siya ngayon masyadong “mainit” sa publiko.

May isang moral lesson kaming natutunan sa kuwento ni Willie. Ang isang talent ay hindi dapat magmalaki sa kanyang TV network dahil ang TV network, hindi ‘yan basta nalalaos. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

19 thoughts on “Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ‘di na maitago ang relasyon

  1. July 20, 2010 at 3:19 pm
    Super Guapo talaga ni Zanjo Marudo,
    (actually crush ko siya).. see the pic, lalaking lalaki tindig niya.at sus ko ang galing ng abs niya, the best..parang nililok katawan. Walking Tall pa, at SHOCKING GRABE DAW ANG ASSET NIYA, kaya alaga din ni Ben Chan. unlike me unano, sakang pa at badoy pa. Si Mariel, pinatulan na si oldy Robin, Iniwan ni Zanjo dahil laging inaaway, nagger daw at sobra selosa kasi. Pero alam ko, 100%.. si Zanjo pa rin nasa utak niya 24/7. so sure of that….

  2. wellie welcome back…MCYA NA NAMAN ANG WOWOWEE BALIK NG BIDA..INGAT LANG KAU POKWANG ANG MARIEL MGA MUKHA KAUNG BAKLA ALIS NA KAU..TSUPEE TSUPEE…

  3. nakakasuka na ang mga balita tungkol kay Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Araw araw na lang, sobrang overrated na at nakakasawa na ang pagiging publicity whore ni Mariel Rodriguez. Lahat na lang linalantad niya sa twitter at sa mga shows ang tungkol sa kanila ni Robin, halatang desperada na aangat ang career.

  4. Naggagamitan si Ingkong Binoe at Ate Mariel. May show kasi sila. Abangan na lang natin kung talagang tanggap nang masa.

  5. correction po, there’s no such word as moral lesson. dapat moral of the story or lesson learned. kasi moral and lesson ay redundant. :-)

    • Moral lesson :

      morals – principles or habits with respect to right or wrong conduct.

      lesson – is a structured period of time where learning is intended to occur.

      So, moral lesson is the principle that you learn within a certain period through experience or a story.

      There are such words as moral lesson..moral support…etc.

  6. ganyan din nangyari kay jolena…diba galing sya abs….lumaki ang ulo ni tatay marami na sya demand sa abs…….hayun nilipat nya sa kapusot ano nangyari idi na LAAAOOOOOOOOOSSSSS ASAN NGAYON SI JOLENA HAHAHAHAHAHAHA………SABIKASI NG TATAY PAG NAWALA DAW SI JOLINA SA ABS ……..LALAGPAK DAW ABS……SINO LUMAGPAK DIBA SYA……..HAHAHAHAHAHA

    • kahit siguro magpalit palit ka ng name mo e malalaman na ikaw yan. balu-baluktot ang iyong salita o pananagalog. hirap ka bang magtype ng tagalog at ganyan kahirap basahin ang comment mo?

  7. ayaw na namin kay mariel napaka landi nya….mahinhindutin sya….alam nyo lahat ng picture na nandyan sya pinupunit namin sa inis…..sayang baket sya pumatol sa may asawa…magagaya din sya kina marian rivera na mang aagawa kaynkarylle at si regine velasquez tignan nyo magmula nong inagaw din nya si ogie diba dyan sya nag umpisa na laoooooosssss.nabad karma na sila….

    • Hindi ako fan ng mga artistang binanggit mo pero hindi mo alam ang sinasabi mo. Si Karylle ang tutuong umagaw kay Dingdong from Antoinette Taus. Yun ang walang duda. Considering friends niya s Antoinette. Wala na si Karylle and Dingdong nang magkaroon sila ng relasyon ni marian. Kahit mismo si karylle sinabi iyan. At tanga ka ba? Ang tagal nang hiwalay ni Ogie at Michelle nang maging sila ni Regine. Diyos me! makacomment ka lang, mag research ka nga. Shame on you!

      • at least si Antoinette eh wala dito sa Pilipinas, by all means pwedeng pwede na mafall out of love si Ding dong sa kanya iba ang case ni Har har, everybody can attest to the fact na nilandi ni har har si Dingdng but anyways, its 2010 so move forward ka na para walang away! and by the way musta na ang “senseless love” nila wala na di ba? nagsisimula ng pulutin sa kangkungan har har har!!!!

      • May isa pang hindi rin makaget over na napunta si Dingdong sa napakagandang si Marian kesa sa mukhang tsimi-aang si karylle. Kahit ako si Dingdong aba’y kung ganyan kaganda ang lalapit sa akin, sugod na ako. Move on na kayo, tanggapin na na loser si trying hard Karylle. Bumalik lang sa kanya ang ginawa niya sa dating GF ni Dingdong. Magkasama pa sila sa GMA dati, pinipair lang silang dalawa. Minsang pumunta sa states si Antoinette, nilandi na rin ni TH Karylle. Kaya ganun na lang ang galit ng GF sa kanya. Ewwwww! at isa pang Ewwwww!

Leave a Reply

Your email address will not be published.