Robin Padilla at BB Gandanghari, posibleng magharap ngayong Kapaskuhan

KAHIT NA ano pa yata ang mangyari ay Rustom Padilla pa rin ang tingin at tawag ni Robin Padilla sa kapatid na nagladlad.

Pero kahit na ano pa raw ang mangyari ay ‘di sila puwedeng mag-away dahil lahat ng kapatid niya ay kanyang minamahal.

Kapag nagkita raw sila ni BB Gandanghari ay ‘tol pa rin ang itatawag niya rito dahil hanggang ngayon kahit na nagladlad na ito ay Rustom pa rin ang tingin niya sa kapatid.

Magsasama-sama silang pamilya sa darating na Kapaskuhan kahit na hindi ang nagse-celebrate ng Pasko ang kanyang religion ay nakagawian na nilang pamilya ang magsama-sama sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Baka that time ay magkaroon na raw sila ng pagkakataong mag-usap ng face to face ni Rustom, na ngayon ay si BB Gandanghari, nang matagal-tagal.

 

MAY PROBLEMA palang kinahaharap ngayon ang Sossy Problems ng GMA Films, sa kanilang director na si Direk Andoy Ranay.

Sabi ay pinatatanggal daw ni Direk ang kanyang pangalan sa nasabing movie na entry sa Metro Manila Film Festival.  Pero hanggang ngayon ay walang malinaw na paliwanag ang magkabilang kampo kung ano ba talaga ang tunay na problema kaya umabot sa ganoong sitwasyon.

Sabi naman ng taga-GMA Films, okey na at wala nang problema ang movie nila, pero ayaw ring magbigay ng pahayag kung ano ang naging problema nila sa kanilang director.

Basta maaayos din daw ang lahat sa tamang araw.

Sabi tuloy ng ilang press, baka raw gumagawa lang ng gimik ang mga ito para mapag-usapan ang movie nila na entry sa MMFF?

 

HINDI NA nga mawala ang kasabikan nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na dumating ang araw na magse-celebrate sila ng Pasko sa Australia.

Nabitin kasi ang pagpunta nila sa Australia para makapiling ang mga anak ni Ogie kay Michelle Van Einmeren kasama ng kanilang bunsong anak na si Nate.

Kaya nagdesisyon sila na magpunta at magpa-Pasko sa Australia para muling magkaroon ng bonding ang kanilang anak ni Regine na si Nate at mga anak ni Ogie ay Michelle Van.

Magda-dalaga na pala ang panganay na anak ni Ogie kay Michelle na si Leila, 15 years old at ‘di na raw maiiwasan na pormahan na ito.

Pero ang maganda raw, ayon kay Ogie, ay ‘di naglilihim sa kanya ang anak. Lahat ay sinasabi at hinihingi ang kanyang payo at desisyon sa anumang gustong gawin ni Leila.

Tulad nang sabihan daw siya ni Leila na makilala at kilalanin ang isang guy na tila gustong pumorma sa anak na dalagita.

Sabi ni Ogie, dumating na raw ang araw na kinatatakutan niya na umibig ang kanyang dalagitang anak na si Leila. Buti na lang daw at sinusunod ang payo niya na mai-stress lang ang anak kapag inuna ang pag-ibig.

Weird ang gusto ng mga anak ni Ogie na mag-celebrate sila ng Pasko sa tabi ng dagat sa Australia. Buti na lang ang buwan ng December ay summer sa Australia kaya okey lang magbabad sila sa tabi ng dagat.

Mantakin mo kung nagkataon na winter sa Australia ay siguradong lamig ang aabutin nila at baka maging yelo pa sila sa sobrang lamig kapag nag-celebrate sila ng Pasko sa tabi ng dagat.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Robin Padilla at BB Gandanghari, posibleng magharap ngayong Kapaskuhan

Leave a Reply

Your email address will not be published.