Robin Padilla at BB Gandanghari, hindi okay ang samahan!

SA INTERVIEW namin kay Robin Padilla kamakailan, namin ng aktor na hindi sila okay ng kapatid na si BB Gandanghari.  Nagbalik-bansa kamakailan si BB pagkatapos ng halos isang taong pamamalagi nito sa New York bilang isang modelo at ngayon nga ay bihis-babae na ito at nabalita pa na sumailalim daw ng sex transplant.

Ayon kay Robin, nasa state of shock pa ang kanilang pamilya lalo na siya. Pero alam niyang darating din ang panahon na matatanggap niya ang lahat. Klinaro ng aktor na tanggap niya si Rustom kung saan ‘di nito matawag na BB bilang kapatid pero magkaiba ang kanilang tinatahak pagdating sa mga paniniwala.

Nakapanayam din namin sa Cinema News si Mommy Eva Padilla, butihing ina nina BB at Robin at inamin sa amin ni Mommy Eva na nagsabi sa kanya si BB na nalulungkot ito dahil nararamdaman nito na hindi siya tanggap ng mga kapatid lalo na si Robin. Agad namang tinawagan si Binoe at pinagsabihan, ang eksplenasyon na ibinigay sa kanya ng anak ay tanggap naman nito si BB bilang kapatid pero magkaiba sila ng mga paniniwala sa buhay.  Ikinuwento sa amin ni Mommy Eva na istrikto  talaga si Robin kung saan mahigpit ito sa mga kapatid at anak na babae, alam niya na sa kabila ng pagkakaiba ng mga paniniwala at relihiyon ay nagmamahalan ang mga anak.

Tinanong din na-ming kung totoo bang nagpa-sex change si BB gaya ng nababalita, ayon kay Mommy Eva ay tinanong niya ang anak pagdating pa lang nito ng bansa tungkol sa balita, ang sinagot sa kanya ni BB ay nangako ito sa kanya na walang ipababago sa katawan kataliwas sa mga balita na nagpabago na ito ng kasarian.

Masaya sa pagbabalik-bansa ni BB, kung saan buong-buong tinanggap ni Mommy Eva ang bagong katauhan ng anak, maligaya rin siya na bilang ina ay nakita niyang mas masaya, mas totoo at mas bukas sa mga nararamdaman niya ngayon si BB kumpara noong si Rustom pa ito. Ang ‘di lang masagot sa amin ni Mommy Eva ay nu’ng tanungin namin siya kung ano ang gagawin niya ‘pag dumating ang panahon na may pakilala na ito sa kanyang boyfriend ni BB, nagpakatotoong inamin sa amin si Mommy Eva na ‘di niya  alam ang gagawin kung saka-sakaling mangyari nga ito.

 

EXCITED ANG mga tagahanga nina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Angelica Panganiban at Bea Alonzo sa pelikulang pagsasamahan nilang apat under Star Cinema. Sa panayam namin kay Bea, excited ito sa pagsasama ni-lang apat pero kailangan niya munang mabasa ang script para malaman niya kung kaya ba niya ang karakter na ibibigay sa kanya.  Siniguro rin sa amin na hindi magiging problema kung sino ba ang magiging bida o baka magkaproblema kung sino ang dapat na mauna sa billing, buo ang tiwala ni Bea na hindi sila pababayaan ng Star Cinema dahil halos lahat sila ay dito na lumaki at ito ang nagbigay ng mga hit movies nila. Busy rin na ginagawa ang pelikulang pagtatambalan nila ni Derek Ramsay sa ilalim ng direksyon ni Direk Olive Lamasan, kinumpirma rin sa amin ng aktres ang pagbabalik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz sa isang serye, sa darating na May ay aalis sila ng bansa ng aktor kung saan may kukuhanan silang mga eksena sa Vienna, Australia.

Paalis ng bansa this coming March 27 para sa Star magic tour na gaganapin sa Honolulu, Hawaii sa March 30, kasama ang boyfriend na si Zanjoe Marudo, masayang kinuwento sa amin ni Bea na kaseselebra lang nila ng first year anniversary nila ng boyfriend. Ayaw magbigay-detalye kung ano ang regalo niya o regalo sa kanya ng boyfriend, sa isang restaurant sa Tagaytay sila nag-celebrate na gustung-gusto ni Bea.

 

TALAGANG HUMAHATAW sa ratings ang Eboy kung saan sa huling datos ng Kantar Media ay hindi lang ito nanguna sa kanyang timeslot kundi pumangalawa na rin sa overall top programs sa bansa kasunod ng Walang Hanggan. Humataw na ito 29.1% sa national TV ratings o halos 11 puntos ang lamang nito sa katapat na programa sa kabilang istasyon  na nakakuha lang ng 18.6%.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

6 thoughts on “Robin Padilla at BB Gandanghari, hindi okay ang samahan!

  1. MAGSUNTUKAN NLANKAYO CHOSSSSSSSSSSSSSSSSS  ITO BUTI PA IDOL KONG MARIAN MALINIS NA TAO MABAIT PA MAGANDA PA OHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

  2. Hindi na sana ako magco-comment ulit pero hindi ko matiis. Si BB Gandanghari ay isang transvestite. Trying hard na magmukhang babae. Mas gusto ko ang tipo ng mga beki, gaya ni Boy Abunda at mga director ng pelikula, Joey Reyes, Wen Deramas at iba pa na hindi itinatago na beki sila pero hindi rin nagkandahirap na magmukhang babae. Mas disente silang tignan. BB is obssessed with his/her looks and he is getting to look like a clown. Sabi niya, parang normal lang ang buhay niya rito sa America at gumagamit rin ng Subway to commute. Ingat lang siya, dahil maski anong gawin niya, mukha pa ring lalaki. Marami ang hindi pa rin accepted ang ganyang situation. Crime against gay is also one of the biggest hate crimes here in the US. Maigi pang ilantad na lang niya ang kanyang pagka bakla pero iwasan ang pakendeng kendeng at bihis transvestite pag nandito. At saka, mga style ng pananamit niya, hindi normal in ordinary life. Parang iyong mga artista noon 1950s pa ang suot niya. Gaya ng bandana sa ulo. Magbihis ka lang ng normal. Huwag masyadong trying hard.

  3. Austria, Ms. Melba Llanera. Maganda roon. Border ng Germany at Switzerland. Anyway, I am so excited to know that four of our beautiful ladies, Bea, Toni, Angel and Angelica are going to make a movie together. Can’t wait to see these world class ” Quatre Belles Dames” in one movie. Good luck ladies.

  4. mas matanda pala si rustom kay robin, akala ko kuya ni rustom si robin.. hahaahha anyway, ang oa nitong si ateh BB, gusto pa ng paligoy  ligoy o pag usapan ng bonggang bongga! nasa showbiz sya at nasa hot seat sya so magsalita na sya para matapos na ang mga haka haka, napaka arteng baklita! feelingerang maton, gusto pa kasi magpa demure eh nayurakan na ang kanyang pagkatao! once and for all, magsalita na, kung hindi man lahat masasagot ehkahit konti lang, non sense yung interview nya kay mariel, nagpapansin lang! or much better BB, bumalik ka na lang sa pagiging rustom padilla mo! hahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.