Robin Padilla, aminadong ‘di makontrol ang lovelife ng anak! – Lolit Solis

BONGGA SI ROBIN Padilla ha! Wala siyang regular show ngayon sa TV pero ang dami niyang raket.

Kamakailan lang ay pumirma siya bilang bagong endorser ng Jag at kahapon naman ay ini-launch siya bilang bagong endorser din ng Trust condom.

Kaibigan ni Robin ang may-ari ng Jag jeans na si Mr. Wilfred Siy dahil nagkakasundo raw sila sa pagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Nung pumirma ito sa Jag, doon na rin ibinigay ni Mr. Siy ang napakaraming mga damit, pantalon at ilan pang apparel na ibibigay ni Robin sa mga taong tutulungan niya.

Pero siyempre, may talent fee diyan si Robin mula sa Jag at sabi naman niya ay sapat na raw ‘yon para marami pa siyang matutulungan.

[ad#post-ad-box]

Wala siyang regular show sa ngayon kaya ang dami niyang nararaket na mga endorsement at meron pa siyang pelikulang gagawin sa Star Cinema.

Ang latest na narinig ko kay Robin, hindi na raw matutuloy ang paglipat niya sa ABS-CBN.

Ang commitment lang daw niya du’n ay ang pelikulang gagawin niya kasama si Toni Gonzaga. Meron pa yatang kasunod na si Bea Alonzo naman ang ka-partner.

Kung natuloy ang pagpirma niya sa Dos, isang teleserye na raw sana ang sisimulan nito na makakasama niya sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Wala ring katiyakan kung sa GMA-7 uli si Robin pupunta dahil hindi pa naman daw nila ‘yon napapag-usapan ni Wilma Galvante.

Sa  ngayon, rumaraket na muna siya sa mga endorsements  na mas malaki pa nga ang kita, ha!

Sa November 23 naman ay isi-celebrate ni Robin ang kaarawan niya at darating pala dito ang buong pamilya niya sa November 19 galing Australia.

At least dito mapapatunayan ni Robin na okay pa rin sila ni Liezel at hindi totoo iyung matagal nang natsitsismis na may problema silang mag-asawa.

Ang plano ni Robin, mag-a-Amerika muna silang mag-anak pero sa mismong kaarawan niya ay rito raw sila para buong pamilya silang magse-celebrate ng kanyang  kaarawan kasama rin ang kanyang mga kapatid at si Mommy Eva.

Ang isa pang gustong maayos ni Robin ay ang panganay niyang anak na si Queenie na boyfriend na pala ngayon ng  Master Showman co-host na si PJ Valerio.

Alam naman daw ni Robin na aabot sa ganu’n ang anak niya dahil dalaga na ito pero hindi pa raw siya handa.

Mabait naman daw itong si PJ dahil pumupunta raw ito sa bahay nila at hindi nakikipagkita sa anak niya kung saan-saan  pero kailangan pa rin daw nilang pag-usapan ito ni Liezel dahil dumadating na raw sa puntong hindi na nila makontrol ang kanilang anak.

NAPAG-USAPAN NA RIN lang ang isyung lipatan, nalaman namin na itinatanggi ni Robin na lilipat siya ng ABS-CBN.

Ang latest naman ngayon na narinig ko ay may balak daw na lumipat ng GMA-7 sina Aga Muhlach at Claudine Barretto.

Hindi ko naman sila tinanong tungkol diyan. Alamin na lang natin kung ano talaga ang totoo kasi wala rin akong naririnig na may gagawin sila sa Dos.

Si Claudine daw ay gagawin ‘yung soap na pagsasamahan nila ni Gretchen Baretto pero parang wala pang balita kung tuloy ba iyon.

Si Aga naman, pelikula lang sa Star Cinema ang nabalitaan ko pero walang programa sa Dos.

Malalaman din natin iyan. Abangan na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Robin Padilla, aminadong ‘di makontrol ang lovelife ng anak! – Lolit Solis

  1. Lolit mag report kanaman tungkol sa Dahil May Isang Ikaw ito na ang pumalit sa Tayong Dalawa kahit gabing-gabi na tinututukan talaga ng mga tao. Hindi kana nag rerepot sa Darna kc lumagapak na………………..

    DMII No. 1 sa Manila & sa probinsya & outside pinas also…………………….NO.1

  2. Sumikat ng husto uli si robin nung lumipat siya sa GMA. Yan ang reason bakit ayaw niyang gumawa ng teleserye sa Dos. Kasi yung series na ginawa nya sa Dos ay certified flop

Leave a Reply

Your email address will not be published.