Robin Padilla, all-out support sa TRUST Bunong Braso Challenge

ALL-OUT SUPPORT ANG ibinigay at ipinakita ni Idol Robin Padilla sa ginanap na kaunaunahang Nationwide TRUST

Bunong Braso Challenge sa Taguig City noong Abril 16, 2011, Sabado. Labinganim na kalalakihan mula sa dalawang

weight classes ang nakipag-buno at nakipag-tagisan ng lakas sa nasabing kumpetisyon hanggang sa maitanghal

na ang mga kampeon sa First Qualifying Tournament.

Ang inaasahang pagdalo ni Binoe, na endorser ng TRUST Quality Condoms, ang siyang nagpasigla at nagpasaya

sa buong lugar. Ganunpaman, excited din ang action star na mapanood ang lahat ng Bunong Braso Challenge

para sa Heavyweight at Lightweight Divisions. Ang naunang dalawang (2) Qualifying Tournament champions na

mula sa dalawang weight divisions ay sina Sandy “Shocker” Bontuyan at si Andy “Moonwalker” Leguarda para sa

Heavyweight at Lightweight Divisions. Ang parehong kampeon ng qualifying tournament ay nakatanggap at nakapaguwi

ng tig-P10,000.00 na cash prize. Pasok na ang 2 champion, kasama ng mga 1st runners-up sa parehong dibisyon, sa Grand Championship at doon makikipagtagisan at makikipaglaban upang makamit ang tumatagingting na P100,000.00 cash prize mula sa TRUST Quality Condoms. Ang mga overall Grand Champions sa bawat dibisyon ay tatanghaling mga “National TRUST Bunong Braso Champions” sa Agosto 6, 2011 sa Metro Manila. Ang mga representatives ng TRUST

Quality Condoms, pinangunahan ni Mr. Gene Lester Resurreccion, Division Head, kasama sina Mr. Emmanuel Alfonso

III, Product Manager at si Mr.Edwin Batalla, GMA Field Operations Manager ay nandoon din upang magpakita ng suporta sa mga Bunong Braso challengers, at kasama si Robin upang magbigay ng mga award, sa mga nanalo. Ang talented at seksing si SexBomb Jaja ay nandoon din at naghandog ng ilang espesyal na kanta. Siya’y naging parte rin ng awarding ceremonies. Kaya naman para sa mga matitipuno at matitikas na kalalakihang edad 18 pataas, ito na ang inyong pagkakataong magpakitang-gilas sa Bunong Braso. Sumali na sa mga susunod na Qualifying Tournament ng 1st Nationwide TRUST Bunong Braso Challenge sa Abril 30, 2011 sa Saging Covered Court, Brgy. B.F. International /C.A.A. in Las Piñas City. Ang iba pang Qualifying Tournaments ay magaganap sa iba’t ibang lugar sa buong bansa: Baguio City (Mayo 14), Valenzuela City (Mayo 28), Batangas City (Hunyo 11), Davao City (Hunyo 25), Cebu City (Hulyo 2) at sa Quezon City (Hulyo 16). Para sa mga karagdagang detalye at iba pang impormasyon kung paano sumali sa TRUST Bunong Braso Challenge, maaari kayong mag-text o tumawag sa mga numerong ito: (0917)909-9090 para sa Globe at Touch Mobile subscribers; (0949)323-6788) para sa Smart at Talk n Text; at (0932)527-4228 para naman sa Sun Cellular subscribers o sumulat sa e-mail address na ito: trust_bbc@yahoo.com.

By Parazzi Made

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Robin Padilla, all-out support sa TRUST Bunong Braso Challenge

Leave a Reply

Your email address will not be published.