Robin at Mariel, KASAL NA LANG ANG KULANG!

KINILIG ANG MGA fans, pati na rin ang TFC subscribers sa one-on-one interview ni Mariel Rodriguez kay Robin Padilla sa Entertainment Live last Saturday.

Ikinagulat ng manonood nang biglang inilabas ng TV host ang regalong singing ng action star sabay sabing, “Bakit sa akin mo ibinigay?” Na agad namang sinagot ni Binoe, “Ngayon lang ako nagbigay, hindi pa ako nagbigay kailan man, napaka-special n’yan!”

Lalo pang ikinaloka ng manonood nang isuot ni Robin sa daliri ni Mariel ang bigay niyang singsing na para bang nagpo-propose ito ng kasal. “’Yung sinasabing kasal, hindi namin itatago ‘yun at kung papayag kang pakasalan ako?” Seryosong wika ni Binoe na very much in love sa dalaga.

Sa sobrang kaligayahan ni Mariel nang mga sandaling ‘yun, hindi nito napigilan ang hindi maiyak. ‘Ika nga, tears of joy. “Hindi ako nagsisinungaling, totoo sagutin mo ako o hindi, itago mo ‘yang singsing. Anuman ang mangyari, itago mo ‘yan, sa ‘yo ‘yan. Hindi ako nagsinungaling sa ‘yo Mariel, mahal kita,” walang kagatul-gatol na sabi pa ni Robin.

Kahit hindi pa inaamin nina Robin at Mariel na mag-dyowa na sila, maugong na ang balitang sila na. Ipinakilala sa kanyang mga anak, magulang at kapatid. Pagpapatunay na malinis ang intensiyon niya sa dalaga. Hindi lang sa salita, ipinakita, ipinaramdam nito sa TV host kung gaano katindi ang pagmamahal niya.

Palagi ngang sinasabi ni Bad Boy, “Sa edad ko bang ito, magsisinungaling pa ako? Kung magkakagusto rin lang ako sa babae, ‘yung seryoso na at si Mariel ‘yun. Siya ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Seryoso ako kay Mariel.”

Madali namang tinanggap ng pamilya at mga anak ni Robin ang relasyon nila ni Mariel. Matagal na panahon ding naging single after the legal seperation nila ni Liezel na ngayon ay may sarili na ring pamilya sa Australia.

Last week, nagpaalam si Robin sa Pilipinas Win Na Win para sa paggunita ng Ramadan. Sinabi niya hindi agad siya makababalik sa PWNW dahil mag-uumpisa na silang mag-shooting ni Mariel para sa Star Cinema. Senyales na kaya ito na hindi na muling babalik sa nasabing noontime show ang magaling na action star?

HINDI NA MAPIGILAN ang pagsikat ng international singing sensation na si Charice sa US. Binansagan siya ngayong “Newest Pop Princess” by the New York Post dahil sa hit single niyang “Pyramid.” Patuloy ang international success na tinatamasa, kaya nape-pressure tuloy siya sa kanyang latest achievement.

“Super happy po ako at napakalaking responsibilidad para sa akin, because Britney Spears, siyempre po siya ‘yung dating Pop Princess and very happy na ako ang napili nila. Parang iniisip ko na kailangang gawin ko talaga ‘yung best ko para i-prove na deserving ‘yung ibinigay nilang title,” simpleng sagot ni Charice.

‘Yung hit song na “Pyramid” hindi lang dito sa ‘Pinas nag-number 1, maging sa US. Hindi nagpatalo sa mga hit ni Lady Gaga sa US Billboard Chart. “Number 1 na rin siya, si Lady Gaga ibang level na po ‘yun so, kahit malagpasan man siya, Lady Gaga pa rin siya. Happy ako dahil ang daming taong sumusuporta sa song na Pyramid kaya siya umaakyat sa Billboard.”

Kahit nasa top nang kanyang international success si Charice, she knows how to give back. Sa kanyang nalalapit na 18th birthday, magse-celebrate siya with kids sa mapipili niyang charity. “Bantay Bata and World Vision. Spent din ako ng birthday with street children. Actually, hindi pa sure ‘yung place, pero ako ‘yung bibili ng mga gifts para sa kanila.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articlePokwang, out sa pelikula ni Ai-Ai!
Next articleAnne Curtis, nagiging pasaway sa Showtime?!

No posts to display