Robi Domingo, nabiktima ng ‘basag salamin gang’

NABIKTIMA NG ‘basag salamin gang’ ang ABS-CBN talent na si Robi Domingo kung saan natangay ang kanyang mga gamit na nasa loob ng sasakyan sa Quezon City, kamakailan.

Sinabi ng mga awtoridad na ang insidente ay ipinabatid sa kanilang tanggapan ni Domingo, 24, pasado alas-11 ng gabi makaraang matuklasan ang pagnanakaw ng kanyang mga gamit sa loob ng kanyang Toyota Fortuner (ROB-127).

Base sa impormasyon, nangyari ang insidente sa pagitan ng alas-6 hanggang alas-11 ng gabi sa may Scout Rallos St., corner Scout Tuazon St., Brgy. Laging Handa.

Nagpunta ang actor-tv host sa nasabing lugar sakay ng kanyang Fortuner at ipinarada ang sasakyan dito bago nagtungo sa Events place, para dumalo umano sa birthday party ng kanyang handler.

Ilang oras ang lumipas, pagkabalik umano ni Domingo sa lugar ay nadiskubre na lang nito na ang backlight mula sa passenger window ay sira at nawawala na rin ang kanyang gamit.

Natangay kay Domingo ang isang samsonite backpack (P5,000) na naglalaman ng isang Apple ipod P12,000; isang blackberry (P10,000), BPI/Petron credit cards, at Beats headphone (P18,000).

Samantala, hindi naman kinuha ng mga kawatan ang damit na nasa loob ng sasakyan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.