Robi Domingo, likes to be with Piolo and Sam

BUKOD SA PAGIGING VJ (Myx) ni Robi Domingo, nasa main cast din siya ng Your Song Presents: Boystown. Matindi ang papel na kanyang ginagampanan sa nasabing teleserye.

“He has everthing in the world, money, loving parents, fame and a very nice girlfriend. Kahit nasa kanya na ang lahat, he take everything for granted. ‘Yung father ko rito (Cris Villanueva) sobrang pini-pressure akong maging katulad niya. Ako naman, I want freedom, I want to make my own decision kaya parang nagre-rebelde ako. I want to be a good son pero not through the traditional way of pagpapalaki.”

Dumaan sa matinding workshop si Robi for 2 weeks para maging makatotohanan ang ang kanyang pagganap. “Sabi ni Direk, isipin mo kaya mong i-control ang lahat sa mundo,” say ng binata.

Malaki ang pagkakaiba ng role niya compred sa totoo niyang buhay with his family. “Sobrang laki ng difference, kasi po ako, lumaki sa family of doctors. Medyo liberated, kitang-kita naman ‘yung freedom sa pamilya namin. Kung minsan pa nga po, sobrang freedom ang ibinibigay nila, pero may direksiyon naman po. Sabi nga ng mom ko, kahit ano ang gusto kong gawin, susuportahan nila ako. Kahit noong bata pa ako, palagi akong dinadala ng parents ko lalo na ‘yung father ko sa operating room. Nagustuhan ko na ‘yung profession na ‘yun and I want to continue the legacy of doctors na galing from my grandparents up to my age now,” pagbibidang turan ni Robi.

Laking pasasalamat ni Robi at napasama siya sa grupo ng “Gigger Boys” na kinabibilangan nina Enchong Dee, Aaron Villaflor, Chris Gutierrez, AJ Perez at Sam Concepcion. “Lahat  sila close ko naman po pero madalas kong nakakasama si Sam Concepcion. Gusto kong masaya lahat, enjoy akong kasama sila, para mga kaming magkakapatid kung magturingan. Willing akong gawin ang mga bagay-bagay para sa grupo pero hindi naman ako maghuhubad. Gusto kong matuwa sila pati ‘yung mga fans namin, ‘ yung ganoon,” aniya.

Nangarap din si Robi na balang araw makasama niya sa pelikula o sa teleserye sina Piolo Pascual at Sam Milby. “Kahit kapatid man lang nila ang maging role ko sobrang thankful na ako. Idol ko sila dahil naalagaan nila ‘yung career nila for so many years lalo na po si Piolo.

Ayon na rin sa grupo ng Gigger Boys, nagiging malapit sa isa’t isa ngayon sina Robi at Jessy Mindiola na kasama rin sa cast ng Boystown. “Why not? Puwede naman… she’s one of a kind. Sobrang bait, laging tumatawa sa jokes ko, ayos siya! Close kami, masaya siyang kausap at binibili niya ang jokes ko kahit kung minsan, corny naman. Kahit hindi kami magkasama sa taping tuloy pa rin ang communication namin sa isa’t isa. I like her!”

Inamin din ng young actor na never pa siyang nagkaroon ng serious relationship. “I can say, fling-fling lang, that was 3 months ago. Parang nawala lang, she can’t take the pressure, something like that. In case na magkaka-girlfriend ako, she has the look, fashion and x-factor,” excited na sabi ni Robi.

Palibhasa napag-uukulan na ng pansin si Robi, kaya pinupukol na ng intriga. “Sometimes, pinagtatawanan ko na lang ‘yung iba, mga kuwentong ewan! Those things you call it intriga, I take it constructive criticism not as obstacle, na sabihin nila, ang baduy-baduy mo mag-host. Sasabihin ko, ganoon ba talaga, papanoorin ko ang sarili ko sa TV kung paano mag-VJ. Kung ma-trap ako sa criticism na ‘yun, iko -correct ko na lang, itatas ko ‘yung sarili ko para wala silang masabi,” pagtatapos na pahayag ni Robi Domingo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Robi Domingo, likes to be with Piolo and Sam

  1. sana wag ka din gumaya na lalake ang gusto ng mga idols mo heheh guaping ka pa naman sabagay uso sa kapamilya ang lalake sa lalake love affair na patagao whew…padami na padami kayo parang gremlins habang nababasa dumadami. oops di ko sinabi na si robi yun ha heheh baka dami mag react toinks!!!

  2. go Robi! we’ll always be there to support you.

    God bless. and as you always say, “Keep on smiling.”

    :D

  3. go robi!!! we will support all your plans sa career mo. at tulad ng sabi ng iba dont leave your studies. stay in the deans list.

  4. x factor,fashion,looks,,,be with piolo and sam..dream on nalang robi kala mo you are perfect to dream a girl with that qualities..patangkad at pa muscle ka muna para kang bonjing…

Leave a Reply

Your email address will not be published.