Robi Domingo, gutom sa trabaho

Robi-DomingoLAST SUNDAY, September 27 ang 26th birthday ni Robi Domingo. Pero sa dami ng trabaho, hindi raw siya nakapagplano para sa isang party o celebration talaga.

“Sa ilang araw nang dumaan, hindi pa rin ako nakapagse-celebrate ng birthday ko,” aniya. “Tuloy-tuloy kasi ang trabaho ko, e. Pero I’m hoping to celebrate. May celebration naman po with my family last Sunday. Nag-dinner kami pagkagaling ko ng ASAP.”

Pinag-uusapan nga ‘yong production number niya bilang part ng kanyang birthday celebration sa ASAP. Sexy raw kasi ang dating niya habang sumasayaw.

“Isang araw lang po akong nag-rehearse para ro’n, e. Pero sobrang nagpapasalamat po ako sa G Force, kasi talagang tinutukan nila ako nang mabuti. In-assist po nila ako. Kahit na isang araw lang ang ibinigay sa akin para mag-rehearse. Do’n sa production number na iyon, nagpa-braso po ako e, para sa hapunan!” sabay tawang biro ni Robi.

“Iyon po ‘yong ano… talagang pinu-pump ko po nang sobra-sobra, e. Kumbaga, magang-maga siya!” ‘yong mga muscles sa mga braso at bisig niya ang kanyang tinutukoy.

“Magtatanggal nga sana po ako ng T-shirt. Kaso lang hindi po ako prepared. Galing po kasi kami ng Europe e,” patungkol niya sa katatapos na ASAP Road To London na show nila sa U.K.

“Tapos meron pa po nga akong ibang mga trabaho. Kaya hindi ko napaghandaan,” na mag-work out at mag-gym regularly bago ang nasabing production number.

Sinabi niya na he’s hoping to have a celebration pa rin talaga ng kanyang katatapos na birthday. Saan, kailan, at paanong celebration ang pinaplano niyang gawin?

“Sa totoo po, itong 26th birthday ko, hindi ko pa po siya naiisip nang sobra-sobra. Kasi focused po ako sa trabaho ngayon. Kung magkakaroon man ako ng late birthday celebration, ‘yong mini lang muna. Ang totoong celebration po sigurong magaganap, next year na lang. Kasi pinaghahandaan ko po ‘yong 27 na 27 (27th birthday on September 27). Iyon ang big celebration na pinaplano ko.”

Hindi kaya isabay na rin niya rito ang pagpu-propose ng kasal sa girlfriend niyang si Gretchen Ho?

“Hindi pa. Matagal pa ‘yon,” natawang sabi ni Robi. “Pareho kami na ang priority ay ang mga career namin. Lalo ako, gusto kong makapag-ipon muna nang husto kaya work muna.”

Sa dinner with his family noong Sunday, hindi raw nakasama ang girlfriend niyang si Gretchen Ho. May event daw kasi na kailangang i-cover ito.

“Pero kahapon po (Monday, September 28), parang may mabilis na dinner lang. And that was it. Kasi may mga trabaho pa rin po, e. Siya, busy rin sa work niya.”

Ano ang birthday gift ni Gretchen sa kanya? “Nagbigay po siya ng sapatos na gustung-gusto ko matagal na. Ano po siya… casual shoes, kahapon lang po niya ibinigay.”

May masasabi pa ba siyang birthday wish? “Siguro… gift of strength and wit po. Para ro’n sa susunod na show ko po na sobrang natutuwa ako.”

Ano ba ang bagong programa na tinutukoy niya? “Ano po siya… isang reality show again. Pero hindi pa siya puwedeng sabihin sa ngayon.”

Maghu-host din siya for the said new show gaya ng ginagawa niya sa katatapos na The Voice Kids at maging sa ongoing pa rin na PBB 737 Update?

“A… parang hindi lang host. Paano ko ba ide-describe? Uhm… ibang concept na show po siya kasi, e. Basta abangan n’yo na lang po dahil sobrang ganda talaga ng konsepto. Tapos may mga makakasama po ako na talagang close na close sa akin. Pero hindi ko pa rin po puwedeng i-reveal, e. May babae. May mga lalaki rin po. Hanggang do’n lang po ang puwede ko munang masabi.”

At 26, ano ang mga bagong changes na kanyang inaasahang puwedeng mangyari sa sarili niya as a person o sa buhay niya? “Siguro ngayon, mas gutom ako talaga. Mas gutom to work, super!”

My mga bagong plans ba siyang binubuo now that he’s 26? “Siguro travel more kasabay no’ng doing documentaries na rin na gagawin sa ibang bansa. I wish to do a documentary program din kasi.”

With Gretchen kung sakali? “Puwede rin. Puwede ring ‘yong mga OFWs natin.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.