Roar louder than a Bulldog!

“YOU HELD me down, but I got up. Get ready ‘cause I had enough. I see it all, I see it now. I got the eye of the tiger, the fire dancing through the fire ‘cause I am a champion, and you’re gonna hear me roar…”

Lakas maka-Katy Perry ng UST Growling Tigers sa UAAP Season 76. Timing na timing ang pagkaka-release ng bagong kanta ni Katy Perry na Roar at tila’y themesong ito ng Tigers ngayon.

Akmang-akma ito sa kasaysayang naitala ng UST Men’s Basketball Team! Akalain mo, sa kauna- unahang pagkakataon sa history ng UAAP Basketball, ang isang fourth seeded team sa Semis Final Four round ay natalo ang isang top seeded team sa score na 76–69. There’s more! National University Men’s Basketball Team na may twice-to-beat advantage pa ang natalo nila. Roar louder than a bulldog, ‘ika nga.

Unang nagharap ang NU at UST sa Semis sa Araneta Coliseum. Sa tunggaliang ito, first quarter pa lang, wagi ang NU ngunit matapos ang quarter na iyon, nagpamalas ng kakaibang lakas at galing ang Tigers at nauwi rin sa pagkakapanalo ng UST Growling Tigers sa score na 71-67.

Matapos ang isang linggo, September 28, sa kanilang pangalawang paghaharap, laking pressure ito sa dalawang team dahil ito ang kanilang Do-or-Die game. Dito malalaman kung sino ang mag-aadvance sa Finals kalaban ang DLSU Green Archers.

Sa first quarter ng game, lumamang agad ang UST ng sampu sa score na 19-29. But wait! Huwag makampante, dahil sa husay ng NU Bulldogs at sa dami nilang fastbreak, naitabla ang score sa 31 all sa pagtatapos ng second quarter. Hindi ito naging madali sa UST Growling Tigers, dahil sa pagsisimula ng second half, bakas na ang kaba sa kanilang mga mukha. Kay raming bola na hindi rin nai-shoot. Idagdag mo pa ang pagkakatawag kay Karim Abdul ng four personal fouls. Ipinalit sa kanya si Paulo Pe, at tingnan mo nga naman, siya rin ay nagkamit ng three personal fouls.

Halos dikit ang laban, hindi na lumayo ang lamang, papalit-palit na lang sila ng lamang. Hanggang sa bumida ang mga tres ni Kevin Ferrer. Mula sa panandaliang pagpapahinga para iwas na baka ma-foul out, si Abdul ay nagbalik na may dagdag na lay-up na kasama habang si Sheriff naman ay nag-ambag ng dalawang free-throws at nag-score ng 66-61. Hindi pa diyan natatapos ‘yan, thanks to Sheriff dahil na-steal lang naman niya ang bola mula kay Robin Roño at nag-lay-up.

Lumamang ang UST ng 70-61 na may nalalabing 46 na segundo na lamang. Sa pagkakataong ito, bakas na ang pagpupunyagi ng UST crowd.

Cheers to the UST Growling Tigers at kay Coach Pido Jarencio na kitang-kita ang pagiging emosyonal nang matapos ang makapigil-hiningang laro na ipinakita ng dalawang kuponan. Viva Santo Tomas!

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.