Road Tragedy tumaas

INAMIN NG Philippine National Police -Highway Patrol Group (PNP-HPG) na naalarma sila sa maraming aksidente sa kalsada.

Ayon kay PNP- HPG Spokesman Sr. Supt. Edwin Butacan umaabot sa 5,021 na mga major accidents ang kanilang naitala ngayong taon simula buwan ng Enero hanggang Hulyo kasama na rito ang 71 mga nasawi dahil sa road accident habang  447 katao naman ang nasugatan.

Batay sa rekord ng PNP-HPG, pinakamaraming mga naitalang mga road accidents ay nanggaling sa Metro Manila.

Sinabi ni  Bulacan, na pangunahing dahilan ng mga nangyayaring mga aksidente sa mga lansangan ay ang human error o sinadyang gawin ng isang driver gaya ng overtaking, overspeeding at paggamit ng cellphones; mechanical defects at road conditions.

Kaugnay nito, maaari naman umanong malimitahan ito ng mga driver sakaling maging maingat lamang sa kanilang pagmamaneho o ‘di kaya’y maging disiplinado dahil ito lamang aniya ang nakikitang paraan para mabawasan ang aksidente sa daan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.