Riza Santos: The Desirable Diva signs off

Where on earth is Miss Earth-Canada 2006 Riza Santos? ‘Yan ang tanong ng mga utaw matapos maglahong parang bula itong ating sexy bida at iniwang nagtataka ang madla kung bakit bigla yatang nagbago ang takbo ng career n’ya.

Parehong engineer ang mga magulang ni Riza Raquel Santos. Nag-migrate sila sa Canada kung saan ipinanganak noong August 31, 1987 ang Desirable Diva ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.

Dahil pretty at sexy ang ating lady, siya ang naging kinatawan ng Canada sa Miss Earth 2006. Pumasok siya sa Pinoy Big Brother House at nanalo ng 2nd place. Sunud-sunod ang dating ng suwerte sa dalaga. Siya ang leading lady ni Vic Sotto sa Dobol Trobol, siyempre pa, with the Comedy King Dolphy. Busog na busog ang mata ng mga kalalakihan ng siya ang maging cover girl ng FHM sa October 2007 issue nila.

But more than the kasikatan, alam n’yo bang hindi lang beauty ang panlaban ni Riza?! Member kasi siya ng medic team ng Canadian Forces Army Reserve at nagtapos din ng BS Biology dahil ambisyon n’ya talagang maging isang doktor.

Huling nakita si Riza sa I Love Betty La Fea, at dahil bigla na lang s’yang nawala, ang ka-loveteam niyang si Will Devaughn na lang ang nag-eksplika. Sabi ng binata, hindi na raw kayang sabayan ni Riza ang pressure na dala ng trabaho ni Riza dito sa bansa, bukod pa sa nami-miss na rin niya ang pamilya niya.

Ang tanong, paano na ang lovelife nila?! Well, malay natin ‘di ba?!

loading...

One thought on “Riza Santos: The Desirable Diva signs off

  1. yan ang hirap sa showbiz. public property ang turing sa mga artista. ang hirap gumalaw, ang hirap magpakatotoo. pag may ginawa kang maganda, ilang araw lang limot na. pag may ginawa kang di maganda sa paningin ng iba, habang buhay na nakatatak sa isip nila. buti na lang at hindi ako artista. di ko kakayanin rin ang ganitong mundo

Leave a Reply

Your email address will not be published.