Rivalry sa boxing, kinalimutan muna Mexicans at Filipinos, nagsanib-puwersa para kay Jessica Sanchez!


MAHIGPIT NA
magkakumpitensiya pagda-ting sa larangan ng boxing ang Pilipinas at Mexico, kung saan parehong hindi pa-patalo sa isa’t isa pagdating sa bakbakan sa loob ng ring.

Pero sa American Idol Season 11, magkasangga ang dalawang bansa at parehong sumusuporta kay Jessica Sanchez na may dugong Mexicano at Filipino. Sa pagkakataong ito, walang labanang magaganap sa dalawang lahi, dahil ang aim ng bawat isa ay ang mapagwagian ni Jessica ang AI Season 11.

Grabe raw ang suporta ng mga Mexican kay Jessica, kung saan sa kanilang mga sites sa internet, maging sa kanilang mga pahayagan ay bumabandera ang litrato at pangalan ni Jessica para iboto ng kanilang lahi.

At hindi naman padadaig diyan ang mga Pinoy sa buong mundo na ‘di talaga matatawaran ang suportang ibinibigay kay Jessica para lang manalo. Kaya naman isinantabi muna ng mga Mexicano at Filipino ang kumpitensiya sa loob ng boxing ring, bagkus ay nagsanib puwersa para bumoto at para manalo si Jessica Sanchez.

 

HALOS MAG-IISANG taon na pala since matapos ang Sisid, ang last show na pinagbidahan ni Jackie Rice na isa sa maituturing na top afternoon drama series ng GMA-7, pero after that ay hindi na ito nasundan pa na ikinalungkot ni Jackie.

Pero sabi nga nito nang makausap namin, willing naman siyang maghintay, katulad ng paghihintay niya noon after manalo sa Starstruck Batch 3. At ngayon nga ay mukhang pinakinggan daw ng Diyos ang kanyang panalangin dahil binigyan siya muli ng GMA-7 ng panibagong show sa hapon, ang Kasalanan Bang Ibigin Ka?, kung saan makakasama nito sina Geoff Eigenmann, Jennica Garcia, Angelika dela Cruz, Michael de Mesa, atbp.

Kaya naman daw happy na si Jackie na umaasang tatangkilikin din ng mga manonood ang kanyang bagong soap katulad ng pagtangkilik ng mga ito sa Sisid.

 

DUMAGSA ANG sobrang dami ng tao na nanood ng 1st major birthday/ thanksgiving concert ni Julie Anne San Jose, ang ginu-groom ng GMA-7 na kanilang magiging next important star na ginanap sa Hard Rock Cafe sa Makati last May 16, 2012.

At kahit nga may kamahalan ang ticket ay napuno ang nasabing venue na na-ngangahulugan lamang na hindi lang sa internet sikat si Julie Anne na tinaguriang ‘Trending Queen’ dahil  bumili ng ticket ang kanyang mga fans kahit gaano man ito kamahal.

Naging espesyal na panauhin ni Julie Anne sa said concert ang magkaibigang RNB singer na sina JayR at Kris Lawrence na parehong naka-duet ang birthday girl. Dumating din ang ka-loveteam ng young singer/actress na si Elmo Magalona na labis na ikinakilig ng mga manonood.

 

NA-STARSTRUCK DAW ang isa sa miyembro ng UPGRADE na si K-Cee Martinez na siyang gumaganap na batang George sa pinakabago at aabangang primetime soap ng GMA-7, ang Makapiling Kang Muli nang makasama nito sa taping sina Carla Abellana at Richard Gutierrez.

Ayon kay K-Cee, ito raw ang kauna-unahang pagkakataong nakasama niya ang dalawa sa taping. Kuwento nga nito na sobrang bait daw ni Richard at ni Carla, kaya naman daw hindi nito naiwasang humanga sa kabaitan ng mga ito.

Wish nga ng singer/ actor na makasama ulit sina Richard at Carla sa mga susunod pang proyekto na ibibigay sa kanya ng GMA-7, pero this time daw ay gusto na nitong makaeksena ang dalawa .

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Rivalry sa boxing, kinalimutan muna Mexicans at Filipinos, nagsanib-puwersa para kay Jessica Sanchez!

  1. @angellocsinglasing —–> lol.. hulaan ko tinira mo..? pag ndi Baygon malamang katol.. o baka nmn clorox?? naghahalucinate kn.. lapit kn siguro matepok kaya kung ano ano na naiisip mo..

  2. Congrats to Jessica for being the FIRST Runner up winner ng American Idol. I am sure, she is also happy for Philips Phillips. Sobra naman talaga ang charms at magnetic appeal ni Phipo. Nung kami pa nga ni Phipo, gosh, lahat na lang gusto siyang agawin sa akin. Wait until you see him take off his shirt and pants. Mama Mia, materyales fuertes, wala ka nang hihilingin pa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.