Ritz Azul, type maging dyowa kahit sino kina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga

IF EVER daw na magkakaroon ng showbiz boyfriend ang star ng Misibis Bay na si Ritz Azul, dalawa lang daw ang pinagpipilian nito, at ito ay sina Daniel Matsunaga at Derek Ramsay dahil ang mga ito lang daw ang qualified na papasa sa kanyang panlasa.

Tsika nga nito, “Libre naman ang mangarap, ‘di ba? Hahahaha!” malakas na tawa ni Ritz.

“Sa totoo lang, I can’t choose between Daniel and Derek. Pareho silang qualified physically. Pareho rin silang mababait. At mga gentlemen sila. Kaya ang hirap para sa akin ang mamili. Siguro makapipili lang ako kung may isang manligaw sa akin, hahahaha! Doon ko lang masa¬sabi kung sino ang puwede kong maging first boyfriend ever!” patuloy na pagtawa niya.

Never pa palang nagka-boyfriend itong si Ritz. Merong mga nanligaw na, pero wala raw siyang sina¬got sa mga ito.

“I guess scared pa ako na sumubok na magkaroon ng boyfriend. Hindi ko alam ang gagawin ko or ano ang mararamdaman ko kung nand’yan na siya sa buhay ko. Kaya ayoko muna. I want to give myself time. Bata pa naman ako, ‘di ba? Kaya marami pa akong pagkakataon to choose kung sino ang puwedeng maging first boyfriend ko.”

Sa palagay ba ni Ritz na isang Pinoy or baka isang foreigner ang ma¬ging unang lalaki sa buhay niya?

“Ayokong pangunahan si Lord! Kung sino ang gusto Niya para sa akin, ‘yun ang tatanggapin ko. Kung Pinoy siya or foreigner man siya, kung siya ang nakatakda for me, sino ba naman ako para tanggihan iyon,” pagtatapos ng dalaga.

ANG KAPAMILYA prime artist na si John Lloyd Cruz ang showbiz crush ng Kapuso tweenstar na si Krystal Reyes. Bukod daw kasi sa guwapo, magaling umarte si John Lloyd, kaya naman daw tanging ang award-winning actor ang kanyang hinahangaan.

“Si John Lloyd Cruz, bukod kasi sa guwapo siya, magaling siyang umarte, ang galing galing niyang umiyak. Kung ilang beses ko ngang pinanood ‘yung movie nila ni Sarah Geronimo. ‘Yung pinanood ko, ‘yung last movie nila ni Sarah, kasi sila po talaga ang favorite ko, bumibili po ako ng CD nila na original.

“Nu’ng pinanood ko ‘yun, todo-iyak ako, magang-maga ang mata ko paglabas ko ng sinehan, sobrang ‘pag umiyak kasi siya (John Lloyd), ramdam mo. Big fan nila ako, bumibili nga ako ng original copies ng mga pelikula nila at lahat ng pelikula nila pinapanood ko.

So dream mo siyang makatrabaho?

“Opo! Pero parang mahirap po kasi nasa kabila siya (ABS-CBN), tapos ako nasa GMA-7.

May kontrata ka ba sa GMA Films?

“Ang alam ko kasi, exclusive ako sa GMA-7, kaya siguro kung gagawa ako ng pelikula, sa GMA Films lang. Pero malay natin baka mahiram siya ng GMA Films at isama ako, hahaha! Pagtatapos ng isa sa lead actress ng Anna Karenina na si Krystal.

 

BAGONG DAGDAG sa lumalaking pamilya ng Unisilver Timebassadors ang Internet Sensation na UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Raymond Tay , Ron Galang, Mark Baracael at Armond Bernas.

Kaya naman very thankful ang UPGRADE kina Sir Albert Que (Chronotron Inc. President) at Sir William Ong Co (Chronotron Inc. Vice President ) Ms. Catherine Ty Ygona at Mr. Giancarlo Guevara (R&D and Marketing Manager UniSilver TIME) sa pagpili sa kanila para maging part ng kanilang UniSilver Time Family.

Makakasama ng UPGRADE bilang Timebassadors sina Sam Milby, Karylle , Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, Joshua Dionisio, Bea Binene at Julie Anne San Jose.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

5 thoughts on “Ritz Azul, type maging dyowa kahit sino kina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga

  1. From now on, i will stop reading PEP and Fashion Pulis on the web. Both of them are irresponsible. Fashion pulis posted an article from an anonymous sender claiming that kim chiu was an ungrateful and an unforgiving daughter and did not provide financial support to her mother while she was sick. We all know that these were all lies. The Fashion pulis column of mike sy lim did not investigate the claims on the letter before posting its contents. This was irresponsible journalism. Since the fashion pulis would not post my critique on his column, i decided to bring this up on PEP. PEP removed my two comments within a minute which infringed on my free speech right. Both PEP and Fashion pulis are in cahoot about this issue. I do not know if they are owned by the same company or the Fashion pulis mike sy lim has a strong connection with PEP that they decided to delete my comments asking bloggers to stop reading the Fashion pulis website. Now i have to include PEP also. I hope you guys will not do what PEP did. Can you make an article about this? Both PEP anf Fashion pulis need to know that free speech is protected under the law and there was no profanity in my comments. It was just asking bloggers to boycott the Fashion Pulis because of the article that he posted without investigating it first. Thank you.

  2. NAKU KAHIT NAMAN ANO GAWIN NI PAPAYANG RITZ AZUL NA YAN, HINDI PA RIN SIYA SUMIKAT-SIKAT HAHAHAHAHA! AMININ NA LANG KASI NA WALA SIYANG STAR QUALITY HAHAHA! PAREHO LANG SILA NI EULA CABALLERO

    NAKU, TAAS RIN NAMAN NG PANGARAP NI KRYSTAL SOMETHING HAHAHAHAHAHA! LIBRE LANG NAMAN EH, KAYA PWEDE NA RIN HAKHAK!

    NAKU, IBINIDA NA NAMAN NI JOHN FONTANILLA ANG MGA DA WHO, SINCHA AT STARLETS NA UPGRADE NA ITO HAHA! NAMAN, UTANG NA LOOB UMAY NA UMAY NA AKO SA KANILA NOH! OR ELSE, MAY GAWIN SILA UPANG MAGUSTUHAN KO SILA HAKHAK! BET MO, JOHN FONTANILLA? HAKHAK!

  3. SANA ITULOY NA MUNA NI RITZ AZUL ANG BALAK NYANG PAGSALI SA BB PILIPINAS BAGO SYA MAGPA-SEXY. BAKA DI NA SYA MAG-QUALIFY.

  4. Si Frankenistine Ramsay na lang ang Dyowain mo. Malaki na ang kargada parang kidlat pa umayuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.