Ritz Azul: TV5’s Teen Princess Gone Wild!

KUNG NOON ay puro Kapuso at Kapamilya stars ang nagpapakita ng alindong sa mga panlalaking babasahin, hindi na magpapatalo ang mga prinsesa ng Kapatid Network, huh!

Ang Star Factor contestant turned TV5 Princess na si Ritz Azul ang cover girl ng FHM Philippines para sa buwan ng Nobyembre. Siya ang kauna-unahang homegrown talent ng Singko na nagpamalas ng kanyang kaseksihan sa cover ng magasin. Nagbida na rin ang dalaga sa primetime shows tulad ng Mga Nagbabagang Bulaklak at Glamorosa, ngunit hindi pa rin talaga tuma-taktak ang kanyang namesung sa kamalayan ng mga televiewers.

Want to know more about Ritz Azul? Read on!

Si Ritz Anne Riggie V. Alzul ay ipinanganak noong ika-11 ng Enero, 1994 sa Sta. Rita, Pampanga. Nag-aaral ito sa Lyceum of the Philippines University sa kursong Bacholor of Science in Accountancy nang kagatin ito ng showbiz bug. Sinubukan ng dalaga ang kanyang suwerte sa Star Factor, ang kauna-unahang reality-based artista search ng TV5. Nakamit nito ang 4th place sa nasabing patimpalak. Hindi man siya ang main winner, napukaw pa rin nito ang atensiyon ng network. Isinabak siya agad sa primetime drama na Mga Nagbabagang Bulaklak, kung saan bida silang dalawa ni Arci Muñoz.

Marami ang nagsasabi na determinado ang TV5 na pasikatin ang dalaga kaya sumabak na rin ito sa pagpapaseksi. Nakatakda rin siyang magbida sa upcoming show na Kidlat. Siya ang isa sa love interest ng hunk actor na si Derek Ramsay.

Kung tutuusin, suwerte itong si Ritz Azul dahil todo-effort ang Singko sa pagpapasikat sa kanya. Does she have what it takes to be the next big thing in showbiz? ‘Yan ang malalaman natin sa takdang panahon!

By Mica Rodriguez

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

One thought on “Ritz Azul: TV5’s Teen Princess Gone Wild!

Leave a Reply

Your email address will not be published.