Ritz Azul, perfect replacement kay Jessy Mendiola sa Banana Sundae!

Ritz Azul

EVERY SUNDAY, inaabangan ng mga Kapamilya loyalists ang longest-running gag show ng Dos na ‘Banana Sundae’. Marami na ang mga artistang pumasok at lumayas sa programa at ang latest nga ay si Jessy Mendiola.

May mga chismis na naglabasan na tinanggal diumano si Jessy sa show dahil naka-engkuwentro nito ang wardrobe ng show. Ayaw na raw niya magsuot ng mga sexy outfits para sa opening numbers ng show. Ang alam namin ay pinasok ang dyowa ni Luis Manzano sa show para pang-akit ng male viewers. Kung ito nga naman ay ipagdadamot pa niya, might as well just let her go. Pagdating naman sa comedy ay sapaw na sapaw siya ng iba pang female mainstays like Angelica Panganiban and Sunshine Garcia.

Ilang Sundays na rin napapanood ang TV5 leading lady turned Kapamilya na si Ritz Azul, na nag-trending pa ang kanyang dance number weeks ago na punong-puno ng energy at pagpapakita ng klebang. Naka-asul pa si Ritz Azul!

May mga nagsasabi na si Ritz daw diumano ang replacement ni Jessy. Kunsabagay, kasama rin sa Loko Moko High at Loko Moko Unli ng TV5 si Ritz noon kaya may training na ito. Ang ilan sa mga graduates ng show like JC De Vera and Valeen Montenegro ay wala na rin sa Kapatid network, pero laging present sa mga gag shows ng Dos at Siyete respectively.

Trending Ritz Azul performance sa Banana Sundae

Perfect replacement nga si Ritz for Jessy lalo na’t wala itong kiyeme pagdating sa pagpapasexy at may comic timing din.

Speaking of Ritz, ano na nga ba ang nangyari sa teleserye nila ni Paulo Avelino? Ipapalabas pa ba?

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.