Ritz Azul, ‘di na raw pinagbubulungan sa mga event

FINALLY NAKAMIT na rin ni Ritz Azul ang matagal nang pangarap na makilala. Dati kasi kapag nagpupunta siya ng event ay nakakarinig siya ng bulungan.

Ang bulungan ay kung sino raw siya dahil ‘di siya kilala. Pero nang lumabas siya sa Misibis Bay at mag-cover sa isang men’s magazine ay kilalang-kilala na siya.

“Nakakatuwa po ang acknowledgement ng marami. Hindi na sila nagbubulungan kung sino ako? Kilala na po nila ako dahil sa mga show ko.

“Lalo na po ang Misibis Bay, du’n na nila ako nakilala nang husto. At laking pasalamat ko sa FHM at Yes Magazine dahil sa pagkilala nila sa akin,” say ni Ritz na super seksi talaga na takaw-pansin ang malusog na boobs.

Ngayon kapag nagpupunta siya ng okasyon or event ay nagbe-blend na siya sa mga stars ng ABS-CBN at GMA-7. Malaki na ang kanyang improvement at mayroon na siyang self-confidence.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Ritz Azul, ‘di na raw pinagbubulungan sa mga event

  1. ang namesung mo naman kasi walang kadating dating, ritz azul, ano yun? walang pag asang makikilala yan dahil ang masang pinoy mas gusto ang namesung na madaling tandaan

Leave a Reply

Your email address will not be published.