Ritz Azul, bagong ‘papaya queen’!

ANG KAPATID star na si Ritz Azul ang latest among teens stars na sumabak bilang pabalat ng isang sexy magazine, at ito ay sa November issue ng FHM. Hindi nga raw nagdalawang-isip si Ritz, lalo na’t puwedeng-puwede naman daw siyang maging cover girl dahil na rin sa magandang katawan nito na tiyak na pagnanasahan ng mga kalalakihan.

At dahil nga sa sensual at daring na poses nito sa nasabing men’s mag, marami ang nakapansin sa kakaibang size ng kanyang hinaharap, kaya naman tinawag siyang makabagong Papaya Queen.

Puwedeng-puwede nga raw itong makipagsabayan sa mga bagong sex sirens sa bansa. Kaya naman daw sa magandang feedback ng pagiging cover girl ni Ritz, mas lalong dumami ang proyektong inaalok dito.

Isa nga si Ritz sa TV5 Prime Artist na talaga namang may magandang plano ang TV5. Kahit na nga katatapos pa lang ng Artista Academy at on-going naman ang The Amazing Race Philippines, paniguradong hindi mawawalan ng proyekto si Ritz na napanood last Sunday sa Game ‘N Go at nagpatikim ng kanyang kaseksihan.

Ito rin daw ang isa sa sa partner ni Derek Ramsay sa bagong serye ng TV 5 na Kidlat. Kaya naman daw marami ang nagsasabing baka ma-link ito kay Derek, na alam ng lahat na mahilig sa mga babaeng may malaking hinaharap katulad nito. ‘Yun na!

 

MARAMI ANG natuwa nang ipahayag ng nag-iisang Superstar at lead actress sa MMFF 2012 Entry na Thy Womb  na si Ms. Nora Aunor na willing siyang maktrabaho sa isang pelikula ang Star For All Seasons na si Gov. Vilma Santos-Recto.

Tsika nga ni Ate Guy, excited na rin siyang makatrabaho si Ate Vi na medyo ilang taon na rin since nagkasama sila sa pelikula. Alam daw nito na agree rin si Ate Vi sa suhestiyon ng iba na magsama sila ulit sa pelikula na hopefully ay ‘di malabong mangyari lalo na’t mas gustong mag-concentrate ni Ate Guy sa paggawa ng movies kaysa magkaroon ng teleserye.

Dagdag pa ni Ate Guy, sana raw ay hindi maging sobrang busy ni Ate Vi. If ever nga raw matutuloy ito, baka daw after election na, baka doon daw ay maluwag na ang schedule ni Gov. Vilma.

 

ALIW NA aliw ang mga misis sa panonood ng The Amazing Race Philippines (TARP) kagabi, lalo na sa pagsubaybay sa tinaguriang Alabang housewives na sina Pam at Vanessa. Bagama’t kapansin-pansin ang naggu-guwapuhan at nagga-gandahang kalahok sa TARP, lutang na lutang pa rin ang nakaaaliw na personalidad ng dalawang housewives. Bagama’t nakakaangat na sa buhay, aminado ang dalawa na naghahanap pa rin sila ng ibang paglilibangan bukod sa paggasta ng pera tulad ng pagsi-shopping na kadalasan nilang ginagawa.

Sa nakaaraang presscon ng TARP, mismong ang mga miyembro ng press ang nakasaksi kung gaano ka-natural at ka-game ang dalawa, kaya naman may ilang press na sila rin ang inaabangan sa programa.

Ayon pa sa produksyon ng TARP, patikim pa lang ang ilang eksena sa pilot ng show at marami pang aabangan sa lahat ng mga kalahok. Napapanood ang TARP Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Wil Time Bigtime at tuwing Sabado pagkatapos ng Talentadong Pinoy Worldwide sa TV5.

 

BLIND ITEM: Nakakaloka ang kuwento sa amin tungkol sa ina ng isang babaeng mang-aawit. Papa’no ba naman, everytime daw na a-attend ito ng party at magdadala ng paborito niyang palabok na nasa bilao, lagi nitong pinaaalalahanan ang P.A. ng kanyang anak na kunin ulit ang bilao dahil baka magamit pa nila sa kanilang bahay.

Natatawa na nga lang daw ang ibang taong nakaririnig sa nanay ng mang aawit, dahil hindi nila akalain na ganu’n ang ina ng nasabing mang aawit. Hindi mo nga naman iisipin na mag-uuwi ito ng pinaggamitang bilao dahil nga sa sobrang yaman nito.

At kahit nga raw ang mga tirang paper plate at plastic na fork and spoon ay inuuwi rin nito. Sayang naman daw kung itatapon lang. Kaya naman daw kaysa masayang ito, kukunin na lang ng nasabing mudra at iuuwi sa kanilang bahay para magamit pa.

Everytime nga raw na may party at imbitado ang mang-aawit at kasama ang ina nito, inaaba-ngan na ng mga nakaaalam na bisita kung ano naman ang iuuwi nito after the party. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

13 thoughts on “Ritz Azul, bagong ‘papaya queen’!

  1. well wala naman masama if iuwe yung pinaggamitang bilao.. my mom does the same too.. inuuwe rin nia yun kasi sayang naman at pag magluluto sia ng kakanin or pansit dun nia nilalagay so nagagamit pa ulit.., kaya nga di ba ineencourage lahat ng tao na magrecycle.. kahit dito sa states sine-save din ng mga kano yang mga tira-tirang paper plates sa party. and inuuwe, para magamit sa next party or picnics.. so wala naman akong makitang masama, atleast kahit mayaman na sila masinop pa din.

  2. tarantado rin tong writer na to eh anung masama kung iuwi??? kesa naman itapon pa gago!!! palibhasa para kayong mga asong patay gutom sa kwartang gusto nyong mahuthut kila sarah tulad ng amo mung c lucy peramin pitik pitik kuno at nagpapansin tapos makikipagbati at kung anu anung mabubulaklak na salita sasabihin tapos huhuthutan at bebentahan ng mga walang valuable painting nya kuno eeewww style nyo ng amo mung hayop

  3. toinks ang mga unknown starlets ng tv5 naghuhubad na dahil wala naman nangyayari sa “career” nila hahahahahaha pag di pa yan umepekto at di pa kayo napansin gawa kayo ng sex video para mapagusapan tong mga starlets na to hahahahahahah

  4. BI – Sarah Geronimo and Mommy Divine (?)

    Ilang beses kasing nabi-BI sa dating Juicy ang pagtatabi ng mga tirang pagkain sa mga gatherings at handaan ni Mommy Divine

  5. HAHA, NAKU UMUBRA NAMAN KAYA ANG PAGIGING PAPAYA QUEEN NI RITZ? BAKA NAMAN HANGGANG STARLET STATUS LANG SIYA SA SINGKO HEKHEKEK!

  6. sabi na eh! mauuwi rin sa starlet status ang tv5 talent na yan, what’s new? lagot ka kay tandang ramsay, titirahin ka ng DOM na yan. babayaran ka pa gaya ng ginawa dun sa isa pang contestant sa show nya na dating EB babe, DOM talaga ang peg ni tandang ramsay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.