Sugod Shooting: Riot sa mga eksena, OMG!

Sanay na sanay na tayong makita ang singer-actor na si Ogie Alcasid na nagpapatawa sa telebisyon man o pelikula. Aba naman, linya niya ‘yan, dabah? Eh, paano naman kung ang young superstar na si Judy Ann Santos na lagi tayong pinapaiyak sa telebisyon ang makita natin sa big screen na nagpapatawa? Exciting, ‘di ba?! Ano na lang kapag isang Ogie Alcasid at isang Judy Ann Santos ang nagsama, naku, tiyak isang malaking riot ito sa takilya.

Nitong nakaraang Marso lamang, usap-usapan na ang pagsasama nina Ogie at Juday sa isang pelikula under Regal Films. Light romance-comedy ang tema ng pelikulang may titulong OMG! as in Oh, My Girl! Sabi nga, isang pelikulang nagmula sa pagkakaibigan ang nabuo ni Ogie at Juday kasama si Regine Velasquez na siyang nag-conceptualize ng nasabing pelikula at si Direk Dante Nico Garcia na siyang napili nilang direktor. O, ha? Talagang prends kung prends ang drama ng ating mga bida, huh!

At dahil nga bunga ng pagkakaibigan at full of love ang Ogie-Juday movie na may July 29 playdate, walang dudang mamahalin ng lahat ang pelikulang ito. Obvious naman na sina Ogie at Juday ay ilan sa mga most-loved sa industriya, huh! At dahil marami ang nagmamahal sa kanila, may nasagap kaming tsismis na mukhang maraming bigating mga bituin ang may cameo role sa OMG! na tiyak papantayan nito ang Payaso ni Kuya Germs noon sa rami ng guest stars. At ang dinig namin, isa si Megastar sa mga magkakaroon ng super mega carmeo role, huh! Oh, galing ‘yan sa mega reliable source.

Habang excited na ang lahat para sa paglabas nina Ogie at Juday sa big screen, makuntento na lang muna tayo sa ilang behind-the-scenes happy piktyurs sa shooting ng Oh My Girl! OMG na talaga, ‘toh!

Sugod Shooting
by Jean Oli, Photos by Parazzi Wires & Mark Atienza

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.