Riot sa concert: dalagita, utas sa boga

NAMATAY HABANG nilalapatan ng lunas ang isang 15-anyos na dalagita makaraang aksidenteng mabaril sa isang konsiyerto sa Laplaya de Roxas People’s Park, Roxas City.

Nagtamo ng sugat sa ulo si Josefina Adrias ng San Juan, Brgy. Baybay at nalagay sa kritikal na kondisyon bago namatay.

Aksidenteng tinamaan ng bala sa ulo ang menor de edad habang nakikisaya sa tumutugtog na sikat na banda na Brownman Revival.

Nagkagulo na lamang ang mga manonood sa nasabing konsiyerto nang biglang matumba ang dalagita kasunod ng nangyaring away sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kalalakihan.

Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang isang .22 magnum revolver at mga bala.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.