Riot ng Kabataan sa Malate: 7 Sugatan

PITO ANG nasugatan kabilang ang isang babae matapos tamaan ng bala ng shotgun sa Meding St., Barangay 738, Malate, Maynila, kahapon ng ma-daling-araw.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Jomar Sison, 25-anyos; Alex Guacao, 30-anyos; Delfin Severa, 22-anyos, Ruby Ambrosio, 36-anyos; Ace Velasco, 27-anyos; Aurelio Labang, 43-anyos at Antonio Manuel, 42-anyos.

Ayon sa salaysay ng isang nakasaksi, nagkukumpulan umano ang dalawang grupo ng mga lalaki nang makarinig na lang siya ng putok ng baril.

Marami ang tinamaan ng shrapnel dahil kalat ang pagpapaputok ng 12 gauge shotgun.

Nadakip naman sina Jimmy Aguas, 18-anyos; Marcelo Moral, 19; Rommel Moral, 25 at Michael Gajudo, 32-anyos pero hindi pa tiyak kung sino sa kanila ang nagpaputok.

Wala namang napuruhan sa pitong nasugatan ngunit patuloy na inoobserbahan sa pagamutan.

Base sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, posibleng away sa pagitan ng mga grupong Sputnik at Commando ang dahilan ng riot.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “Riot ng Kabataan sa Malate: 7 Sugatan

  1. dapat hindi sinsama yung wala kasalanan ,,katulad na si marcelo moral na wala naman malay sa ganyan pagyayari..sana po palabasin nnio na po si marcelo moral..hindi po talaga siya kasama jan..

  2. dapat hindi sinsama yung wala kasalanan ,,katulad na si marcelo moral na wala naman malay sa ganyan pagyayari..sana po palabasin nnio na po si marcelo moral..hindi po talaga siya sama jan..

Leave a Reply

Your email address will not be published.