Riding-in-Tandem, Tigok sa mga Parak

DEAD ON the spot ang dalawang  armadong lalaki makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch at Bocaue PNP sa Rodriguez St., Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng tanghali.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Diosdado Iñego kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang biktima ng holdap na si Joel del Rosario, 23 anyos, lending collector at residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, dakong alas-12:30 ng tanghali, papauwi na ang biktima nang harangin ito ng mga hindi nakilalang suspek na armado ng  cal. 38 at homemade shotgun sa makitid na kalye.

Nabatid na pilit na inagaw ang bag ng biktima na naglalaman ng P24,000 kabilang ang motorsiklo nito, at pagkatapos ay mabilis na tumakas subalit agad namang nakahingi ng tulong si Del Rosario sa mga pulis.

Kung saan inabutan ang mga suspek sa isang sabana na lugar at dito na naganap ang palitan ng putok ng baril, dahilan upang mapatay ang mga suspek at mabawi ang mga pera at motorsiklo.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.