Riding-In-Tandem, Patay sa Shootout

SA JOINT operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Pampanga Police kahapon ng alas-10 ng umaga, patay sa shootout ang riding-in-tandem na sinasabing miyembro ng Waray-Waray group.

Matagal na umanong minamanmanan ng mga awtoridad sina Reynan “Bordado” Delpino at isang alyas “Puti”. Ayon kay CIDG Region 3 Director Senior Superintendent Elmo Francis Sarona, may planong krimen ang mga suspek kahapon kung kaya’t sinikap nila itong tugisin. Namatay ang mga ito sa shootout na naganap.

Hinala ng mga awtoridad, sangkot din ang mga suspek sa gun for hire at robbery operations sa Central, Luzon, partikular sa Pampanga at Bulacan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.